Skip to main content

Jesus > ctrl + S


Sa isang catholic TV show tuwing lingo ng umaga, meron silang segment kung saan maaring magtanong ang mga viewers ng kahit na ano patungkol sa ‘faith’ and ‘religion’ naabutan ko yung isang tanong tungkol sa pagsisimba tuwing linggo, naging interesante para sa kin dahil isa ako sa mga madalas umabsent tuwing lingo, nasabi ko na sa inyo dati na hindi pang El Shaddai yung personality ko. Kasalanan ba daw na maituturing yung hindi pagsisimba tuwing lingo? Ang sagot ng host na isang bishop eh isang nakakalungkot na ‘Oo’ kasalanan ang hindi pagsimba tuwing lingo, ayon sa doktrina ng simbahan. Aaminin ko ngayon ko lang nalaman yun.

Hindi naman ako palasimbang tao, pero madalas akong magpasalamat ke Bro sa araw-araw, kahit sa mga simpleng bagay na nangyayari sa buhay ko. Mas naniniwala kasi ako na mas mabuti pa yung magkaroon ka ng personal na relasyon sa Diyos o kung sino mang superior being yung sinasamba mo kesa sa ilimita mo ang sarili mong pananampalataya sa pag sisimba tuwing linggo. Me posibilidad na mali ako pero yun ang gusto kong paniwalaan.

Sabi sa simbahang katoliko “The Catholic Church teaches that the faithful are obligated to attend Holy Mass (Eucharistic celebration) on days of obligation. Those who deliberately fail in the obligation of attending Sunday Mass commit a grave sin.” Wow so grave sin nga ang hindi pag simba yun ay ayon sa simbahan mismo, andami palang nagkakasala sa simpleng hindi pagsimba, gayun pa man mas trip kong pakinggan yung sinabi ni Gary Granada na “Hindi natin kailangan ng mga katedral at moske, o obispo at kaparian, o denominasyon at mga sekta, o ritwal ng kasal, binyag at libing, para maging malapit sa Diyos. Magsimba tayo sa Simbahan ng pagkalinga, pagkakapantay-pantay, pakikipagkapwa, pagkilala sa sarili at pagpapakumbaba.” Mas makatotohanan, mas malapit sa lohika kung iisipin mong mabuti. Hindi naman sa simbahan nagsisimula yung unang baitang papuntang langit, kundi sa sarili mo mismo sa kung paano ka makitungo sa kapwa mo at sa lahat ng gawa ng Diyos ayon sa kanyang kagustuhan. Yung sticker na lang na nakadikit sa jeep, nakalagay “Jesus Saves” nakakita na ba kayo ng sticker na “Jesus only saves those who go to church every Sunday” bagaman sticker lang yun, kumakatawan na rin yun sa paniniwala nating mga tao na higit pang mas malawak ang pagmamahal at pangunawa ng Diyos sa LAHAT ng tao, kung ikukumpara mo sa mga tinuturo sa simbahan.

Naalala ko tuloy yung istorya ng dwelo nila Jesus at Satanas… Maikwento ko na rin sa inyo tutal na ungkat ko na yung tungkol sa sticker na “Jesus Saves”. Nagkaroon kasi ng dwelo si Satanas at si Jesus. Sa harap ng tig isang computer, hinamon kasi ni Satanas si Jesus na kung sino man sa kanila ang makakapag-tala ng pinakamaraming pangalan ng bawat tao sa mundo sa computer sa loob ng isang oras ay sya ang aangkin ng kaluluwa ng bawat taong naitala nya. Tinanggap ni Jesus ang hamon, at kaagaad silang nagsimula. Mabilis ang kamay ni Satanas sa pagttype samantalang kalmado naman si Jesus at maya’t maya ay tumitigil sya sa di malamang dahilan, pero si Satanas ay patuloy pa rin ang pag tiklada sa keyboard ng dire-diretso at walang tigil. Patapos na ang isang oras ng biglang mag brown-out sa kwarto, nagulat si Satanas at nagalit dahil sa nangyari, habang si Jesus naman ay kalmado lang na nakaupo. Ilang minuto pa ay nagbalik na uli ang kuryente kasabay din ng pag tunog ng final buzzer, hudyat na tapos na ang dwelo. Laking panlulumo ni Satanas dahil nawala ang lahat ng kanyang tinalang pangalan sa computer dahil sa brown-out, samantalang si Jesus naman ay dahan-dahang pinakita sa mga hurado ang mga naitalang pangalan. Hindi makapaniwala si Satanas sa nakita at pinaratangan si Jesus na nandaya, pero sinagot lang sya ng mga hurado na “ang kaibahan nyo talaga ni Hesus eh ikaw Satanas hindi ka nagsa-save si Jesus nagsa-save…”

Jesus Saves… nagsisimba ka man o hindi.


Comments

  1. Mas naniniwala po ako kuya sa pagiging mabutig tao sa kapwa mo.

    Kesa sa pagsisimba linggo linggo.

    Kase tamad ako magsimba eh.

    ReplyDelete
  2. gayun na lang ang pagmamahal ng Diyos s sanlibutan(tayo) kanyang binigay ang kanyang bugtong na anak na si JESUS na sino man (hindi relihiyon) ang manampalataya sa Kanya(na tayoy natubos na sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus) ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hangan john3:16.totoo din na "only Jesus saves", sbi ni Jesus,"no one comes to the Father except thru ME" sad to say bro kahit ano pang kabutihan gawin natin hindi pwedeng maging tiket pra tayo mkapuntang langit..ONLY JESUS SAVES.

    ReplyDelete
  3. tagal n rin pala ako di nagsisimba.. as in super tagal na.. di ko na maalala kung kelan yung huli. sa dubai kc may pasok pag sunday.. mejo late na paguwi mo ng bahay at anlayo ng simbahan.. (andaming excuses!) before pag thrsday nagsisimba ako sa saint jude (hindi nman regular).. ngayun nung august pa ko and2 pero di pa rin nakakasimba..thursday man o sunday..

    like today.. sunday ngayun diba??

    pero lague ko nman kinakausap c papa God para magpasalamat at humingi ng tawad at para itaas sa knya ang mga concern ko sa buhay. :)

    mahal ako ni God alam ko..kahit di ako nagsimba ngayun.

    ReplyDelete
  4. e san kaya pupunta mga atheists nuh?at sasave din kaya cla ni bro?

    ReplyDelete
  5. ah onga noh, san kayo nagsisimba syan sa dubai?

    ReplyDelete
  6. sangayon ako sa yo brod pero kumbaga sa mercury drugstore, yung paggawa mo ng mabuti sa kapwa mo ang syang numerong maglalapit sa yo papunta sa walanghanggang kaligayahan...

    ReplyDelete
  7. oks na yun, basta wag lang tayong makakalimot sa kanya... feeling ko bagay akong maging pastor... : P

    ReplyDelete
  8. lagay na lang natin sa ganitong perspektib: si bro eh parang barbero yan, hindi ka magugupitan ng buhok kung hindi ka lalapit sa kanya... alam ko kasi yung atheism is a non-prophet organization :))))

    ReplyDelete
  9. unga naman alangang satsatan ka kagad ni bro.hehe.hrap nung atheism,ala kang pinaniniwalan.me kilala akong ganun,at nkakamigraine.haha

    ReplyDelete
  10. Jesus loves everyone. Hindi bias si God. Magsimba man o hindi. :)

    ReplyDelete
  11. Parang yung nanay ko lang nung Sunday... sabi kasi nung pastor, "Di ka naman maliligtas sa church attendance mo eh..." tapos after few minutes, sabi niya "pero mas pipiliin ko pa ring di kumain ng isang araw kesa di magsimba." Nawindang tuloy si inay. Naniniwala din kasi siya na kahit absent siya, basta nagdadasal siya araw-araw, close pa rin sila ni Lord. Tama naman yun, pero kaya ka nagsisimba kasi mahal mo yung pupuntahan mo sa simbahan. di yung boypren o gelpren mo ha. May feeling ng excitement. It's also a way of giving back sa lahat ng blessings for the last week.

    Di ka rin maliligtas kahit ikaw pa ang pinaka-mabait na santo. May aetheist akong kilala, saksakan ng bait. Wala kang masasabi. Pero di yun maliligtas, kasi wala naman siyang paniniwala. Wala ka ring magagawa para maligtas ka. Pero dahil "JESUS SAVES" naligtas ka na. Nung na-dedz siya, saka ka naligtas. Nasayo na lang yung kung i-cclaim mo. JESUS SAVES. hindi MY GOOD DEED SAVES.

    ReplyDelete
  12. Hindi naman po sa kasalanan. It's your own choice pero mas maganda kung magchuchurch para maggrow ang faith, sa kahit anong church naman po. Regardless of religion, basta may relationship oks na po hehe Hehe kunwaring banal po ako sa comment na toh.

    ReplyDelete
  13. hindi ko man binasa natuwa ako sa title.. haha alabit!

    ReplyDelete
  14. gaya ng nasabi ko na... good deeds will inch you closer to heaven... try one now :D

    ReplyDelete
  15. parang ambait bait mo nga habang binabasa ko yung comment mo hwehehehe

    ReplyDelete
  16. yan ang gusto ko sau papi kahit title pa lang nakikiliti na kita agad : ))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...