Skip to main content

Lipat Bahay



Oo nga pala lilipat na kami ng bagong haybol, malayo sa mga maderparkers na La Fuerzang to. Sabihin na lang natin na masyado silang greedy parang si Mr Crabs na medyo mas matindi pa konti, ah hindi konti, garapal sa pagka greedy. Paano ka ba naman hindi mababadtrip sa mga asskissers na to, simple lang naman ang math di ba? 3 unit = 3 parking spaces, hindi mo na kailangang maging einstein para ma figure out yang ganyang ka simpleng bagay, kahit anak kong 4 years old mauunawaan yan. Eh bakit nila gagawing 2 parking space para sa 3 unit? Di naman lahat ng kliyente namin kayang mag park ng gaya nung nasa larawan... Ilan lang yan sa mga dahilan kung bat kami lilipat, maraming pang ibang dahilan na pumuno sa salop namin kaya wala kaming magagawa kundi kalusin, pero yung parking space na pinagdamot ng kinamsyet na La Fuerzang yan ang main reason, saka mabaho ang hininga nila pag kausap namin, oo nagsasambit na talaga ako ng mga badwords na tyak na ikadudurog ng puso ng nanay ko kung madidinig nya ako ngayon kung paano ako magsalita, ganyan ako ka iretable sa  pamunuan ng paking la fuerzamadapakers.

Di naman bago yung paglipat lipat namin ng haybol, pangatlong lipat na rin namin to mula nung namasukan ako sa trabaho ko ngayon, na-witness ko mula sa isang maliit na apartment dati yung opis namin, medyo nagsisiksikan kami sa maliit na space pero masaya naman kasi nakakanood kami ng Eat Bulaga pag tanghali pero syempre change is inevitable kaya ngayon eh sa mga building na kami umuupa nitong mga huling taon, isa lang ang ibig sabihin  nito... nagkakaubusan na ng apartment.

Yung lilipatan nga pala namin Chino Roces pa rin (Pasong Tamo), papuntang PRC kung galing kang EDSA, papuntang PRC pa rin kung galing kang Buendia, papuntang PRC pa rin kung manggagaling ka ng Cavite, Tagaytay, Laguna at iba pang lugar na kalapit ng mga nasabi ko, then vice versa na lang, bale yung landmark nya eh yung Philippine Daily Inquirer, pag nakita mo yung PDI building pwede ka nang bumaba dun tapos tumayo kayo sa tapat ng building ng PDI, ipinid mo yung katawan mo (kasama ulo syempre) ng around 135Āŗ pa-kaliwa makikita mo na yung bagong office namin. Medyo maliit lang ng konti sa dati naming office pero sagana kami sa parking space, masyado silang galante saka mga pogi daw kami kaya binigyan nila kami ng lima, yes you heard me right, five madaparking spaces, take that la fuerza bitches.

Problema lang madadagdagan ng P14 pesos pamasahe ko sa isang araw, sa isang linggo P98 pesos din yun, dalawang bar din ng snickers yun kaya malaking panghihinayang ko talaga. Bisitahin nyo kami pag may time kayo sa opening namin, kasabay na din ng pag open uli ng bago naming gallery na wala pang pangalan sa ngayon, post ko na lang kung kelan yung confirmed opening date, intayin nyo na lang wag kayong excited. Nakakatuwa dahil andami nang parking space ng bagong place namin, problema ko na lang ngayon kung ano yung ipa-park ko hihihi.

Comments

  1. oo nga lilipat na fafa rick! shyet.. teks teks!

    ReplyDelete
  2. wow rick! ask ko lang...ok lang ba magdala ng suman na magkayakap na may sawsawan na matamis na bao dyan? yung authentic na galing sa batangas ha. baka kasi di ako papasukin ng guard....sige na nga sasamahan ko pa ng 2 snickers...

    ReplyDelete
  3. alam ko yung PDI, doon kame dati nag-ojt :D

    ReplyDelete
  4. tita punta kayo! welcome na welcome po ang suman from batanggas... mis ko na yan! mas ikagagalak ng puso ko kung meron talagang kasamang snickers! : D

    ReplyDelete
  5. edi nakikita mo dati si idol conrado?

    ReplyDelete
  6. hindi nga e. sa library kasi ako naasign. e bawal maglibot-libot dun.haha.
    kahapon me nakita ako dito sa me bandang paseo kamukang-kamuka niya kaso maliit, papautograp pa naman sana ako.haha

    ReplyDelete
  7. ah sayang... sa tingin mo nagmamakinilya pa rin sya?

    ReplyDelete
  8. filing ko di naman cguro.computer na cguro cia.tas natawa ako dun sa cnb na nia sa column nia na fake daw ung fb accnt na gngamet name nia at wla dw xa blak mag fb.haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.