Skip to main content

Paano mo masasampal sa mukha yung mga tao sa gobyerno?


Kung meron mang sampal na dapat lumapat sa pisngi ng mga politikong atat na atat mahalal at nagtatago sa rasong 'marami silang matutulungan kung nasa tamang lugar sila at nanunugkulan... ' read: GOVERNMENT OFFICIAL, yung sampal na yon eh nasa katauhan ata ni Efren Peñaflorida. Walang tulong mula sa gobyerno, walang sapat na pondo, walang sapat na manpower, ni hindi sila kumikita sa ginagawa nila, ang tanging sapat lang at naguumapaw eh yung kagustuhang tumulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya 'Will Power' kumbaga. 


'Will Power' at 'Wheel Power', dahil bukod sa sinseridad sa pagtulong, gamit din nila Efren kasama ang Dynamic Teen Company ang Kariton para lumibot sa iba't ibang lugar upang tulungan ang mga bata sa mga mahihirap na lugar para magkaroon naman sila ng kahit na kapirasong edukasyon, yung kariton ang kanilang instant classroom. 




Sila yung naghihirap na makapagturo sa mga batang nangangailangan ng edukasyon ng walang inaasahang kapalit, sila yung pilit na bumubura sa larawan ng kamangmangan sa ating bansa at sila yung nagmumulat sa atin kung gaano kalaki ang pagkukulang ng gobyerno na matugunan yung mga pangunahing pangangailangan ng mga tao gaya ng edukasyon, tutal edukasyon na rin naman ang pinaguusapan natin, paki-compute naman kung paano tumaas mula P66.87 million nung 2001 at naging P143.54 million nung 2008 yung declared net ni GMA na sumusweldo lamang ng P45,000 a month? You do the math.



At paano natin masasampal yung mga tao sa gobyerno? 


Iboto mo lang si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year dito

--> Vote Efren Peñaflorida!


and let his heroism be a slap right smack at the government's face of failure. At kahit na hindi naman sya humihingi ng anumang parangal atleast mabigyan naman natin sya ng isa pang rason para maipagpatuloy nya yung kanyang nasimulan.


Para sa karagdagang kaalaman tungkol kay Efren Peñaflorida magtungo lang dito

--> Efren Peñaflorida a Modern Day Hero


Para sa iba pang katanungan magtungo dito

--> tanong ba kamo?























Comments

  1. mAKASAMPAL NGA NG ISA!
    MAY BUTO AKO! :-)

    kAHIT ILAN BA PWEDE?

    Pa-kopya ha!

    ReplyDelete
  2. ganito yan schoolmate ric....hanapin mo ang mga income tax file return mo, tapus bilugin mo...then pag may nakita kang magsasalita tungkol sa mga fairytale na accomplishment ng gobyerno...bahala ka na kung saan mo palalapatin!

    ReplyDelete
  3. oks lang, spread the word... salamat!

    ReplyDelete
  4. kasi ang mga nakaupo, ayaw nang lumabas sa mga aircon na opis nila. si efren nagliliyab ang puso upang makaraos at makatulong. sadyang totoong pusong pinoy sya. bigyan mo sya ng katungkulan, bigyan mo sya ng pera upang lalo pang makatulong, d na sya kasingbisa nung syay wala pa sa pwesto. bakit? kasi kelangan sumunod na sya sa audit procedures, mga dos and donts, at mrami pa iba.
    samakatuwid, mas nakakatulong ang isang individual kung gagawa sya sangayon sa kanyang nalalaman at kagustuhan, kaysa sa isang indibidual o grupo na tali naman sa mga alintuntunin sa pagpapaptupad.
    kaya kung kaya mo rin lang mag isa, at kung grupo man kayo at may sinusunod na simpleng alituntunin, mas mabisa kayo kaysa sa maperang organisasyon kagaya ng gobyerno na tali naman sa mga alituntunin...hangang sa kasusunod at ka0-audit, wala nang magawa. kawawang taong bayan. bulok din kasi ang burukrasya, ang tingin lahat sa nagsisilbi ay magnanakaw. kawawa tuloy ung tapat maglingkod. damay sila talaga.

    ReplyDelete
  5. kuya rick, gawa ka din ng top 10 officials na masayang sampalin! :P

    ReplyDelete
  6. ERAP, pls nmn po! kun gusto mong bumawi kay Gloria at tumulong sa mga mahihirap, gamitin mo na lang lahat ng pera mo para ipambayad sa pinakmagaling na abugado sa Pinas, pra pag-babang-pagbaba nitong si Gloria, sampahan mo agad ng demanda sa lahat ng pangungurakot at pagkakasalang ginawa niya sa bayan. Mas maalala ka ng taong bayan, hahangaan ka pa at maaring kalimutan na ang mga pag-kakasala mo.... this is your best chance for redemption not the presidency!

    ReplyDelete
  7. hi, i happened to drop by on your page.... i just want to say thank you for being a voice, one of the many.


    IBALIK SA MGA PILIPINO ANG PERA NG BAYAN!

    KATARANTADUHAN ANG PANGUNGURAKOT!!!

    ReplyDelete
  8. very well said :) ... i really hope he wins :) ..

    ReplyDelete
  9. hmmm mukhang kulang ang sampu... Top 100? : P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.