Skip to main content

Posts

Showing posts from 2008

Growing old is inevitable, growing up is optional.

Its been a while, and the whole vacation thing is taking its toll on me. Nasanay na ata akong mag trabaho at parang hinahanap hanap ng katawan ko yung pag pasok sa opisina, charing! Hirap ng walang ginagawa sa bahay, sulitin ko na lang dahil malamang next year pa uli maulit yung ganito. Ilang oras na lang din at ibababa na yung mga 2008 na kalendaryo para isabit yung 2009 naman, ambilis talaga ng panahon. Naisipan ko na ring baguhin yung itsura ng multiply site ko, wala lang, para maiba lang, parang me kulang lang sa design, di ko alam kung ano, dapat siguro di ko na pinatakpan sa bata yung... Ang ganda lang nung phrase... quote ba yun? Parang bagay sa new year, "Growing old is inevitable, growing up is optional", salamat Michelle para sa email na pinagkuhanan ko ng quote. Gaya ng dati naguluhan nanaman ako sa CSS na yan, isang oras din ang ginugol ko para mabago ang itsura ng site, mahirap talaga pag walang gaanong alam sa intarnets. Yung quote? wal...

The jungle that was... Baclaran

Nitong mga nagdaang araw naging mahirap para sa mga pasaherong pauwi ng Las PiƱas ang sumakay ng jeep sa may Tambo, yung lugar na sinasakyan ko ng jeep pauwi sa amin. Walang jeep na nakapila, karamihan naman ng jeep galing Baclaran puno na pag dating ng Tambo. Madalas akong makipag-unahan sa sang katerbang pasahero na gusto na ring makauwi, walang matanda-matanda, walang baba-babae basta pag nag-unahan na matira matibay. Sabi ng 'barker', duon daw naiipon sa Baclaran ang mga jeep dahil sa sobrang trapik doon, madalas ding mapuno ang mga jeep dahil sa dami ng namimili sa Baclaran ngayon, 'holiday rush' kun tawagin, watdapak!. Kaya naman nung huwebes nagblibk blink yung bumbilya sa ibabaw ng ulo ko, naisipan kong sa Baclaran na mismo bumaba para makasakay naman agad ako ng jeep na hindi na kailangang umeffort-effort pa. So instead na MIA Road ang bus na sakyan ko, Baclaran na lang ang sinakyan ko pauwi para sakto sa Baclaran mismo ang baba ko... natural lang di ba?...

Sabihin ng mabilis 30x - Pasko Paksiw...

Ilang tulog na lang pasko na! Wag kayong magulang, wag nyo nang isama yung tulog nyo sa tanghali tsaka yung tulog nyo sa opisina sa oras ng trabaho, hindi kasama sa bilang yon. Natatawa ako sa mga taong nagsasabing… “parang last year lang yung pasko, tapos ngayon pasko na naman”… haler, taon taon po talaga ang pasko, fyi. Hindi na ko makikipag-plastikan, pero pag naiisip ko ang pasko eh naiisip ko rin ang gastos, sa tingin ko hindi lang naman ako, kayo rin, wag kayong mag-maang-maangan, guilty rin kayo malamang sa ganitong notion na Christmas = gastos. Syempre hindi naman kasi tulad dati nung bata pa ako, mga couple of years ago (uhhhrrrrmm), na ako ang nasa receiving end ng mga nagre-regalo, ako yung excited sa pasko, ako yung nageekis ng date sa kalendaryo bago ang araw ng pasko, ako yung nagogoyo ng mga matatanda na totoo si Santa, si Rudolph, si Frostie the Snowman at 30 pa lang talaga si Madam Auring… but that was before, gaya ng sinabi ko, couple of years ago (uhhhrrrr...

Tama na

Sa buhay natin dadating yung araw na sasabihin mong, ‘Tama na.’ Yun yung oras na wala ka nang maisagot sa isang usapan, bigla kang mananahimik dahil alam mong wala nang patutunguhan pa kung makikipag-talo ka pa, hindi ka galit pero mas pipiliin mong manahimik. Iisipin mong mas maigi pa ang itikom ang bibig dahil wala ka ring maisasgot na kahit ano, end of story, finish, the end. Hindi naman karuwagan ang pananahimik di ba? Ano ba ang pinupunto ko? Laging sinasabi ni erpats ‘kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang’, hanggang ngayon sinusunod ko yun, at madalas kong magamit sa mga ganitong pagkakataon…   Eksena sa opisina Ate jes: Nanganak na pala si Jennelyn Mercado! Ako: Talaga? Ano anak? Ate jes: cesarean! Ako: --   Eksena sa jeep Mama: (pasakay sa jeep) Pare Zapote ba to? Ako: Oo (sabay tango) Mama: (pagka-upo sa jeep) Zapote? Ako: --   Eksena sa bahay Ako: Nay naiwan mo yung celfone mo sa   terrace, may missed call ka. Nanay: Ay, ...

Pahingi po ng konting tulong...

Itong mga nakaraang araw eh namomroblema ako kaya naisipan kong humingi na ng tulong sa kung sino man sa inyo ang may mabuting kalooban. Imagine nyo yung isang taong grasa na gusgusin, short lang ang suot na tinalian lang ng retasong tela para di malaglag, nanlilimahid sa dumi, buto’t balat na lang, gulu-gulo ang buhok, mabaho, may hila-hilang sako ng basura, pa-gala-gala sa lansangan, nagbubungkal ng basura, pag may nakitang tira-tirang pagkain eh kakainin naman kahit marumi at paminsan minsan nanghihingi sa iyo ng limos… na imagine nyo na ba? Hindi naman ako ganon, naisip ko lang. Ang galling ng imahinasyon nyo. Na-encounter nyo na ba yung, pag nag-post kayo dito sa multiply eh hindi naga-appear yung pinost nyo? Particularly yung blog. Ilang beses akong nag post ng blog entry nung Monday pero title lang yung nag-appear at pag-click mo sa link eh may nakalagay lang na ‘This blog does not exist’. Bad trip di ba? Sabi ng maid namin hayaan ko lang muna daw yun baka naguupdate lan...

Burdey!

Nag celebrate si ms Didith, ang aming bagong manager dito sa opisina, ng kanyang bday, syempre di sya    makakalusot sa gasgas na gasgas nang request na “Pa-cheese burger ka naman!” na nasapawan na yun dating “Pa-canton ka naman!” expression. Hindi ako madalas magtanong ng edad sa mga taong may birthday, lalo na pag alam kong lagpas na sa kalendaryo ang edad nila, sa halip tinatanong ko kung pang-ilang bday na nila yun, atleast mas nakakakuha ako ng mas honest na answer dahil hindi naman edad nila ang tinatanong ko, ang tinatanong ko kung pang ilang bday na nila yun.   “Pang-ilang bday mo na ms didith?” tanong ko. “Pang 33 na.” sagot naman nya ng walang ka-gatul-gatol.   Minsan kasi pag tinanong mo yung isang celebrant kung ilang taon na sya eh madalas pakipot ang sagot like “secret!”, “hulaan mo?” o kaya sasagot ng alam mo namang malayo sa katotohanan, sasabihing 18 lang sila kahit parang rice terraces na yung noo sa dami ng kulubot, papalusot pa ng “matured lang talaga akong ting...

Pray that it work? Pray. It works!

Pray. It works! Anlaki ng sign na ganyan pag-pasok mo ng commonwealth avenue, nakalagay sa gilid ng overpass sa may Philcoa, ewan ko kung andun pa ngayon, dun ko kasi huling nakita ang sign na yun. Ayon sa isang pagaaral…   Recent scientific investigation shows that prayer can be used as an alternative therapy as successfully as meditation, exercise, or herbalism. A study of 91,000 people in rural Maryland showed that weekly church attendees had 50 percent fewer deaths from heart disease than non-churchgoers and 53 percent fewer suicides. Churchgoers have lower blood pressure levels than nonbelievers, even after smoking and other known risk factors are taken into consideration. Many doctors believe that if they prayed with their patients before and after surgery or before administering a course of powerful drugs, this treatment might assist in the patient's recovery. Thirty medical schools in America are now offering courses in faith and medicine. It did not matter whet...

Beneath the Milky Twilight

“Ah talaga nakanood ka na ng Twilight? Ok naman?”   “Hmmm mukhang nag-enjoy ka nga…”   “Ah kasama mo mga barkada mo… ayaw mo talaga pahuli sa kanila ha, gusto mo laging up to date ka para di ka naiiwanan sa kwentuhan nyo”   “Oo ok ang Paramore sa soundtrack.”   “So naging faithful ba yung movie version sa book?”   “Mula sa book nga yung Twilight diba? Parang Harry Potter, book na ginawang movie, actually ang balita eh after Harry Potter eh sya na yung naging bestseller.”   “Nge! hindi mo alam yun?”   “Eh bat mo pinanood?”   “Idol?”   “Sus dahil gwapo lang si Robert Pattinson pinanood mo na.”   “Ah dahil fad sya ngayon, maraming nanood, at sya ang buzz around the metro kaya pinanood mo rin.”   “Kung tutuusin nga eh another vampire movie lang naman yun, wala naman silang pinakitang kakaiba sa movie aside dun sa walang pangil na vampire which is nakakatuwa kung iispin mo.”   “Over hype lang sa media at promotions.”   “Oo na gwapo n...

Banila ays ays bebe...

So sya pala yon… medyo late ko na nalaman (super late?), at aksidente pa mula sa isang multiply user na nagview ng site ko na viniew ko rin ang site nya dahi viniew nya yung site ko kaya viniew ko rin yung site nya na… tama na para na kong tanga… Ang tinutukoy ko eh si Pablo Banila oo tama si Pablo Banila, kung kaano-ano nya si Banila Ice eh hindi ko alam at hindi ko rin alam kung bakit ako nagbibitiw ng ganitong mga superdupertothemax corny jokes. Ilang blog din ang nasilip ko na ang laman ay tungkol kay Pablo Banila, maraming nahiwagaan sa kanya pati ako, at malamang ay isa kayo sa mga nabisita nya, may nagsasabing isa syang ‘cyber stalker’ meron namang nagsa-sabi na isa syang ‘psycho’ at meron ding chismis na isa lang syang ‘student’ na gumagawa ng research online at ang pinaka nakakatakot at kahindik hindik sa lahat eh isa daw syang pakawala ng gobyerno! Meron pa bang mas nakakatakot dun? Ilang beses din syang bumisita sa multiply site ko pero pag click ko sa multiply site nya ...

Your so beautiful I can’t give you my seat

Bus story No.003 Hindi naman lubos ang pagka-gentleman ko, sa bus halimbawa, hindi ako basta basta nagbibigay ng upuan sa babaeng nakatayo kung alam ko naman na able sya at mukhang kaya naman nyang tumayo sa byahe mula Manila hanggang Tuguegarao, nagbibigay lang ako ng upuan sa babae kung (1) matanda/senior citizen na sya mga above 45 siguro or basta alam kong mahina na para mag-ballroom dancing makatayo ng matagal sa bus, (2) may anak na karga or madaming gamit na dala, yung parang dala ang buong bahay sa dami ng dala (3) may kapansanan at mukhang hindi na talaga kayang tumayo pa sa kahabaan ng byahe, gaya ng uhmm… amputated na ang dalawang paa? at (4) kung ang babae ay matandang may bitbit na gamit at may kargang anak na amputated ang dalawang paa, sa ganitong mga pagkakataon ko pina-practice ang aking pagka-gentleman at tumatayo ako para ibigay ang upuan ko na walang hinihingi na kapalit maliban sa pera . Pero kung ang babaeng nakatayo eh wala sa mga nabanggit eh nananahimi...

Secret Santa No More

Oo kilala na kita, una pa lang ikaw na hula ko, ginulo lang ni menggay ang utak ko, at ngayong sigurado na ako kung sino ka, base na rin sa aking di-mapagkakatiwalaang source na mas matindi pa kay Jobert Socaldito at Christy Fermin, ikaw ngayon ay aking pinasasalamatan. Nararapat lamang na magpasalamat ako sa iyo at isa ako sa mga niregaluhan mo ng treat out of all the many people in this whole wide universe of ours, (parang pang ms. world yun ah) eniweys, sabi nga nila eh its the thought that counts kaya more than the treat thanks-a-lot peklat talaga dahil napaligaya mo ako nung araw na yun at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang ngiting namutawi sa aking mga labi (ok OA na) nung natanggap ko ang email na yun.  Alam mo naman ako, if i'm happy and i know it, i clap my hands or stomp my feet. Hindi nga ako nagkamali gaya ng nasabi ko, sadyang busilak nga ang iyong puso at tama ka, mas lalo ngang pinabusilak yan dahil sa kaka-opera mo lang sa puso di ba? ahehehe. Kaya nara...

Phobia

Ironic itong nadiskubre ko… ang tawag pala sa fear of long words eh – Hippopotomontrosesquippeddahophobia … eto na yata ang isa sa pinaka-mahabang salita at kung meron kang takot sa mahahabang salita eh parang ayaw mo na tong basahin. Eto yung tipong pwedeng ipang-punchline sa mga gag shows…   Eksena   Pasyente: Doc me diperensya po ata ako. Doc: Bakit naman ano bang nararamdaman mo? Pasyente: Meron po akong takot sa mahahabang salita, ano po ba tawag dun? Doc: Fear of long words ba kamo? Ang tawag dyan ay Hippopotomontrosesquippeddahophobia . Pasyente: Nyaaaaaaarggggghhhhhhhhh!!! Doc: OA mo naman, buti nga hindi ko sinabing may pneumonoultramicroscopicsilicovolcanokoniosis ka e. Pasyente: (kisay, kisay)   Hinahanap ko kasi yung tawag sa phobia ko eh at nagkataon na andami palang term sa mga phobia phobia na yan, ilan dito ang sabihin na nating medyo entertaining at medyo pinangiti ako gaya ng mga sumusunod:   Ablutophobia - fear of bathing (...

Judgmental

Bus story No.002 Hina-hum ko ang ‘I don’t like Mondays’ ng Boomtown Rats sa isip ko habang nag-aabang ako ng bus kahapon dahil hate ko talaga ang Mondays, weekend hang-over yata tawag dun. Andami pang tao na nag-aabang pero ang konti ng bus, kumbaga sa marketing, sa law of supply and demand, mas madami ang demand kesa sa supply. Merong ilang bus ang nagdadaan pero puro tayuan na, ayoko naman tumayo sa bus dahil maarte ako. Ilang minuto pa at sa wakas me dumaan na ring bus na medyo maluwag-luwag kaya napalundag kaming lahat sa tuwa at sinalubong ang bus with open arms, hindi naman literal dahil kung ginawa namin yon eh malamang ikamatay namin. Isa-isa na kaming pumila para makasakay at halata sa mukha ng kunduktor ang labis na kaligayahan dahil sa mga ganoong pagkakataon nya lang nararanasan na maging celebrity na pinagkakaguluhan, kahit kunyari lang, dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi talaga sya ang pakay namin kundi yung makasakay ng bus. “sige pasok lang maluwag yan ...