Skip to main content

Your so beautiful I can’t give you my seat

Bus story No.003

Hindi naman lubos ang pagka-gentleman ko, sa bus halimbawa, hindi ako basta basta nagbibigay ng upuan sa babaeng nakatayo kung alam ko naman na able sya at mukhang kaya naman nyang tumayo sa byahe mula Manila hanggang Tuguegarao, nagbibigay lang ako ng upuan sa babae kung (1) matanda/senior citizen na sya mga above 45 siguro or basta alam kong mahina na para mag-ballroom dancing makatayo ng matagal sa bus, (2) may anak na karga or madaming gamit na dala, yung parang dala ang buong bahay sa dami ng dala (3) may kapansanan at mukhang hindi na talaga kayang tumayo pa sa kahabaan ng byahe, gaya ng uhmm… amputated na ang dalawang paa? at (4) kung ang babae ay matandang may bitbit na gamit at may kargang anak na amputated ang dalawang paa, sa ganitong mga pagkakataon ko pina-practice ang aking pagka-gentleman at tumatayo ako para ibigay ang upuan ko na walang hinihingi na kapalit maliban sa pera. Pero kung ang babaeng nakatayo eh wala sa mga nabanggit eh nananahimik na lang ako sa aking upuan habang sinasabi ko sa sarili ko na “hay… ang sarap umupo sa bus”.

Naranasan ko na kasi nung mabait-bait pa ako, na nagbigay ako ng upuan sa isang babae pero ni tingin sa mukha o simpleng thank you man lang eh wala syang sinabi, para tuloy feeling ko eh obligasyon ko na ibigay sa kanya ang aking upuan at karapatan nya na pa-upuin ko sya, pero naging manhid sya sa good deed na ginawa ko para sa kanya, ano ba naman yung haplusin nya ko sa pisngi at sabay kiss kapalit ng upuang binigay ko? Is that too much to ask for? Simula nun sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ko magda-drugs pipiliin ko na lang ang babaeng pag-aalayan ko ng upuan sa bus.

Yung bus ride ko naman last Thursday eh medyo kakaiba, dahil pag-sakay na pag-sakay ng bus nung babae eh gusto ko agad sya pa-upuin hindi dahil sa sya ay matandang babae na may dalang madaming gamit at may kargang anak na amputated ang dalawang paa, kundi dahil napaka-ganda nya… oo napaka-ganda nya, sa sobrang ganda eh pag nag-tabi sila ni Marian Rivera magmumukhang chimay si Marian sa kanya, ganun ka ganda yung babae, pero yun na rin ang naging dahilan para hindi ko sya pa-upuin kahit na nasa tapat ko pa sya… gaya ng nasabi ko able naman sya at mukhang kaya pa nyang tumayo sa kahabaan ng byahe. Naisip ko rin kasi na kapag pina-upo ko sya iisipin ng ibang pasahero na kaya ko lang sya pinaupo eh dahil sa maganda sya at nagpapasikat lang ako sa kanya… although ganun naman talaga ang iniisip ko.

Pero hindi pa rin. Mananatili akong tapat sa aking paniniwala at hindi ko ipagpapalit ang upuan ko dahil lang sa maganda syang babae, prinsipyo na ang pinag-uusapan dito, siguro kung naka plunging neckline sya baka pwede kong i-consider… i-consider pa lang yun ha... pwede ko siguro syang ikandong. Kaya kahit alam kong ngawit na ang braso nya sa pakikipag-bunong braso sa handle bar at namimintig na ang kanyang binti at naglalakihan na ang kanyang varicose vein dahil sa 3” nyang suot na heels eh mananatiling matigas ang aking puso at ang upuan ng bus na kina-uupuan ko eh mananatiling sa pwet ko lamang hanggang sa pagbaba ko. Siguro kung naging ordinary lang ang itsura nya eh…

wala rin… hindi pa rin…

gaya ng una kong nabanggit, hindi naman talaga lubos ang pagka-gentleman ko.


Comments

  1. pero ako, ayoko pa rin magbigay ng upuan kahit kanino kahit may kapansanan, sa payat kong to?malamang mas kelangan ko pa yung upuan na ibibigay ko sa kanila..:D

    saka di lang naman ako ang makokonsencya pag di ko inalok yung upuan ko sa nangangailangan, marami gusto mag alok sa dami ba anman ng pasahero ng bus eh, yun nga lang baka ang iniisip nila eh tulad din ng iniisip mo sir..hahaha

    ReplyDelete
  2. kanya kanyang diskarte yan eh, minsan pogi points din yun hehe...

    ReplyDelete
  3. uuyy.. sana pagnakasakay mu ko paupuin mu ko ka... :) hehhe

    ReplyDelete
  4. Ganyan din ang pananaw ko sa buhay, mga matatanda, mga may anak na bitbit at mga mukhang di kakayanin ang byahe lang ang pinapaupo ko. Di porkret chick papaupuin mo na. Ano sila siniswerte? May principles din tayong mga lalake. Para di ako ma-tempt eh tinutulugan ko nalang.

    ReplyDelete
  5. i agree.. pero kapag kabatak mo ang buong universe sa isang pagkakataon, mangyayari na isang magandang babae ang sasakay sa bus, tatabi sayo (sa 2-seater side ng bus) at tutuksuhin ka ng kaniyang pabango.. habang patuloy sa pagbuga ng malamig na hangin ang aircon ng bus.. haaaaaayyy

    bigla ko lang naalala,, ehehe..

    ReplyDelete
  6. hmnnnn..... agree, di dapat ganda ang batayan sa mga bagay-bagay! mabuhay ka! hehehehehhe!

    ReplyDelete
  7. ah oo nga pala nagpapaupo rin pala ako ng mga babaeng kakilala... since kilala na kita xempre papaupuin kita kung sakaling magkrus man ang landas natin dito sa pinas o dyan sa dubai ehehehe...

    ReplyDelete
  8. oo pwede naman nating i-offer ang hita natin para kandungin sila...

    ReplyDelete
  9. mga ilang beses din nangyari sa akin yang ganyan... and thats another story ehehehe...

    ReplyDelete
  10. I want my own IDENTITY!!!!!!!
    RICK DO SOMETHING!!! Pangalan pa rin ng asawa ko lumalabas!!! Waaaah!!! Wala pa naman kaalam alam sa mga ganitong bagay!!!!!

    :-) beth

    ReplyDelete
  11. Look.... My icon appeared! m happy

    -- beth

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.