Oo kilala na kita, una pa lang ikaw na hula ko, ginulo lang ni menggay ang utak ko, at ngayong sigurado na ako kung sino ka, base na rin sa aking di-mapagkakatiwalaang source na mas matindi pa kay Jobert Socaldito at Christy Fermin, ikaw ngayon ay aking pinasasalamatan. Nararapat lamang na magpasalamat ako sa iyo at isa ako sa mga niregaluhan mo ng treat out of all the many people in this whole wide universe of ours, (parang pang ms. world yun ah) eniweys, sabi nga nila eh its the thought that counts kaya more than the treat thanks-a-lot peklat talaga dahil napaligaya mo ako nung araw na yun at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang ngiting namutawi sa aking mga labi (ok OA na) nung natanggap ko ang email na yun. Alam mo naman ako, if i'm happy and i know it, i clap my hands or stomp my feet.
Hindi nga ako nagkamali gaya ng nasabi ko, sadyang busilak nga ang iyong puso at tama ka, mas lalo ngang pinabusilak yan dahil sa kaka-opera mo lang sa puso di ba? ahehehe. Kaya nararapat lamang na ilaan ko sa yo ang isang espasyo ng aking blog para masuklian ko ang kabaitan mo at para maulit din ang ginawa mo, isa pa pwede?
Sosyal ka na ngayon ha at pa-deli-Delifrance ka pang nalalaman, samantalang nung magkasama tayo eh ensemada lang ang kinakain natin, luma pa... at ngayon eh chocolate chip almond biscotti na! Nasa magandang package na plastic na may cute na cute na red ribbon sya at ready for take out. Huli na nga lang ng malaman ko na me libre palang hot choco yung treat pag dun mo sya kinain sa store. Hay talaga naman yatot, kung magbibigay ka naman eh kumpletuhin mo naman ang impormasyon para di na ko nanghihinayang ng ganito.
Thanks a lot kapitbahay ni kuya aka Mai cinnamon err chuvaness... mula sa ika-ibuturan ng aking ngala-ngala puso. At sana ay bigyan ka rin ni Lord ng siksik, liglig at umaapaw na blessings at pag na-bless ka na eh i-share mo uli sa akin. Musta na nga pala ang opera mo sa puso? Nagbu-bun-jee jumping ka na ba?Pagaling ka maigi at wag ka ngang gala ng gala. Thanks uli! Oki? Ayos!
P.S.
I got my second gift, and its not even December hehehe...
Sa mga magpapadala pa, natanggap din ako ng cash, cheque or gift certificates keep em coming!

sosyal ang not so secret santa mo!
ReplyDeleteehehe the best yun! : )
ReplyDeletehappiness...energy..geowwwww... ok lang opera ko
ReplyDeletenaka enervon araw-araw? ; P
ReplyDelete