Skip to main content

Banila ays ays bebe...

So sya pala yon… medyo late ko na nalaman (super late?), at aksidente pa mula sa isang multiply user na nagview ng site ko na viniew ko rin ang site nya dahi viniew nya yung site ko kaya viniew ko rin yung site nya na… tama na para na kong tanga…

Ang tinutukoy ko eh si Pablo Banila oo tama si Pablo Banila, kung kaano-ano nya si Banila Ice eh hindi ko alam at hindi ko rin alam kung bakit ako nagbibitiw ng ganitong mga superdupertothemax corny jokes. Ilang blog din ang nasilip ko na ang laman ay tungkol kay Pablo Banila, maraming nahiwagaan sa kanya pati ako, at malamang ay isa kayo sa mga nabisita nya, may nagsasabing isa syang ‘cyber stalker’ meron namang nagsa-sabi na isa syang ‘psycho’ at meron ding chismis na isa lang syang ‘student’ na gumagawa ng research online at ang pinaka nakakatakot at kahindik hindik sa lahat eh isa daw syang pakawala ng gobyerno! Meron pa bang mas nakakatakot dun? Ilang beses din syang bumisita sa multiply site ko pero pag click ko sa multiply site nya eh wala naman syang account kaya nagtaka ako, pero hindi naman ako nabahala dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na nawiwindang sa ganitong mga pangyayari, as long as hindi maaapektuhan ang personal na buhay ng aso namin oks ako. Kaya natatawa ako sa ibang nag-over react kay Pablo, I can’t believe that these people gave Pablo their piece of attention in turn making him famous over the net and I can’t believe that now I’m one of them, And I can’t believe I’m talking in English!

“Yes, Pablo Banila has a crush on you hahahaha! That’s why he viewed your homepage, cute nun!” eto yung lumalabas sa avatar ni Pablo Banila pag nagview sya ng site mo, GIF animation ata yun, pero wag ka nang umasa na may link ito dahil walang active account sa multiply na mag-aappear. Ayon sa “Detailed Viewing History” ng multiply ko eh last Oct 25 nya last naview ang homepage ko, sa inyo kalian? At ngayon ayon na rin sa Inquirer.net, (oo na dyaryo pa sya), isa pala syang programmer na gumagamit ng tinatawag na ‘bots’ para mabisita ang iba’t ibang website, hindi sya mismo ang bumibisita sa inyo kundi ang kawan ng kanyang mga ‘bots’ thru a program na tinatawag nilang ‘Solitaire’ ehehehe joke lang ‘Web Crawler’ daw tawag dun, so ayun, wala naman pala talagang dapat ikabahala ang madlang pipol, harmless naman pala sya, well atleast for now. Ayoko na rin syang pagukulan ng panahon kahit na alam kong nasayangan na ako ng isang espasyo ng blog pero feeling ko dapat maisulat ko ito dahil nauubusan na ako ng topic… halata ba? O sya tatapusin ko na to bago pa ko makapagbitiw ng superdupertothemax corny punchline.

Para sa dagdag na kaalaman mag Memo Gold sabi ni Kuya Kim at bisitahin nyo to You For the Interactive Youth.

Oh my!

Ang salarin

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...