Skip to main content

Brrrrrr


"The tail-end of a cold front are affecting Visayas and Mindanao while northeast monsoon is affecting Luzon. "


Yung malamig na hangin eh dulot daw ng tail-end of a cold front na nakakaapekto sa bansa natin.  Alam ko nabasa nyo na sa taas, inulit ko lang para kunyari matalino ako. Pero yan ay ayon sa PAGASA, oo paminsan minsan tumatama din  ang wheather forecast nila, yung malamig na hangin mula Siberia and China na tinatangay papunta dito sa atin ang dahilan ng lamig na nararanasan natin sa ngayon. Alam nyo bang mula nung 1961 eh ngayon lang daw uli tayo nakaranas ng ganitong uri ng lamig? Ako ngayon ko lang nalaman eh, at narinig ko pa sa driver ng jeep na sinakyan ko, na narinig daw nya sa kaibigan nya na narinig naman daw kay Kuya Kim.


Para sa isang tropical country nga naman gaya ng Pilipinas eh hindi pangkaraniwan ang ganitong lamig, yung mga makakapal ang balat na sunog baga sa amin madalas ko nang makitang me saplot sa katawan at bihira ko na makita yung  naglalakihang tyan nila na nakalabas, senyales na malamig talaga dahil hindi na nila carry yung ginaw. Yung ganitong uri din ng panahon ang gustong gusto ng mga goons at action star sa pelikulang Pilipino dahil me dahilan na sila para suotin ang kanilang leather jacket. Sa kaso ko na nga lang eh pinapagalitan na ko ng katulong namin dahil puro jacket daw ang nilalabhan nya, ang hirap pa naman daw labhan nun, nakayuko akong humingi ng pasensya at nangatwirang malamig talaga ang panahon kaya kailangan kong magsuot ng jacket, mukhang ok naman sa katulong namin yung reason ko at padabog na binato ang mga jacket sa washing machine, ambait talaga nya, mapagpatawad.


Sa lamig ngayon, tiyak na lalakas din ang konsumo natin at magiging mabenta ang mga bagay tulad ng Gin at iba pang alcohol na ginagawang pampainit ng katawan at ng ulo, kaya wag na kayong magtaka kung maraming rambulang magaganap sa buwan na to. Kasabay na rin dyan ang yosi, mukhang alam nyo na na sasabihin kong dadami rin ang me cancer di ba? Pero di ko na sasabihin, pinangunahan nyo na ko eh. Ang coffee/hot choco/tsaa, number one na panlaban sa lamig day-in and day-out o kaya lugaw/Pares/Mami, dahil aside from coffee ang mga pagkaing me mainit na sabaw ang perfect sa ganitong panahon. Syempre lalakas din ang kunsumo ng LPG dahil sa pagpapainit ng tubig at pagluluto ng mga pagkaing pamatid ginaw. Mabentang mabenta din ngayon ang mga sweater/jacket o sa tagalog nga eh pang-ginaw (meron bang pang-init?), lalo na ngayon na usong-uso yung hooded sweater na may iba ibang iconic designs na pinauso ng mga so called 'emo' people, pero come to think of it, kahit di naman tag-lamig lagi naman silang naka hooded sweater, what are they thingking? Wala na silang pinagkaiba sa mga goons at action star natin na nabanggit ko sa taas. Oh well ilan lang ang mga nabanggit ko sa mga bagay na malamang bumenta ngayong tag-lamig.


Kung me mabenta tyak na merong matumal naman ang bentahan, pros and cons nga naman ng tag-lamig. Gaya ng mga ice cream shops at samalamig, at katangahan na lang pag maisipan mong magbenta ng halu-halo sa panahong ito. Pati yung mga nagpupunta ng Baguio at Tagaytay medyo nabawasan din ayon sa balita, kaadikan na rin pag naisipan mong mamasyal sa Snow World ng Star City, sabagay kanya kanyang trip lang yan. Lahat siguro ng uri ng produkto o serbisyo na may kinalaman sa lamig eh matumal ang kalakaran ngayon.


Malamang din sa alamang pag sapit ng September at October lolobo nanaman ang populasyon ng bansa natin, wag nyo nang itanong sa akin kung bakit, bilangin nyo na lang yung 9 months pabalik, alam nyo naman siguro kung anong ibig kong sabihin, malalaki na kayo. Sa ganitong panahon kasi mahirap i-implement sa sarili ang abstinence, kaya nga maraming namumulo't pukyutan sa Baguio eh dahil malamig, sa lamig kasi ngayon tipong magka-untugan lang kayo ng hinlalaki sa paa ng partner for life mo  eh meron agad magaganap na wrestlemania wink wink.


At sa mga ganitong pagkakataon at panahon nga susubukin ang katatagan at tibay  ng loob ng bawat Pilipino para harapin at sabihin sa sariling "kaya ko to! At buo ang loob kong patutunayan sa aking sarili na kaya ko! Kaya kong gumising sa madaling araw at maligo!"


brrrrrr



Comments

  1. ika nga sa quotes, pagsubok daw po sa panahon ngayon

    ang pagligo .. :D

    ReplyDelete
  2. guilty ako dun sa LPG usage, haha. lagi na ako nagpapainit nam hot water before taking a bath.

    ReplyDelete
  3. haha naka receive ka rin pala nun...

    ReplyDelete
  4. ay naku po ubod ng lamig din dito ngayun sa disyerto.. yun nga lang di na nmin kelangan magpainit ng tubig kc mainit na yung tubig na lumalabas sa gripo.. lahat ng tao din dito ay nakasuot ng jacket at dahil minsan lang ito sa isang taon nilulubos na namin ang pagsusuot ng jacket. hehhe =) hindi n rin namin binubuksan ang AC kaya tipid sa kuryente.. mahirap nga lang ngayun magpatuyo ng sinampay.

    hhayyz.. masarap matulog pag malamig.. hhehe lalo na sa karton. bumaha kc sa kwarto namin kaya 3-4 days kami natulog sa karton kc basang basa yung bed namin. kakatuwa noh?

    may nadiscover ako.. masarap pala kumain ng ice cream labas ng bahay ng madaling araw habang umuulan at sobrang nangangatog ka na sa lamig.. hehhe

    ReplyDelete
  5. hihihihih brrrrrrrrr lamig poh kuyahhhhhh..
    yan ang madalas sinasabi ng mga kapawa ko brewsters pati na rin ni tado ramon at angel...malamang sa malamang eh madalas ng naririnig ngayon yan jan dahil taglamig na nga naman..

    sana meron magtrip na magbenta ng halu-halo sa may malapit sa may TS cruz sa Las Piñas or di kaya sa may Chowking SM Southmall..

    Ilang milyon kaya madadagdag sa populasyon ng aking Inang bayan pagdating ng oktobre hanggand desyembre..HMMMMM
    Marami na naman ang magrereklamo sa gobyerno na naghihirap sila dahil pinabayaan sila..(bakit ba kasi?sa ngayon...oo ngayon mismo habang tinatype ko to malamang sa malamang meron wrestle mania na nagaganap, tinawag ba nila ang gobyerno at sinabing gobyerno hali kayo dito sali kayo samen)..Ang magandang alibi siguro eh sabihin lang nilang taglamig po kasi kaya nagpainit kami ,mababaw na dahilan pero totoo naman..Sana maisip man lang nila na problemado na ang pamahalaan ngayon kasi marami na nakakapuna ng kakurakutan nila dadagdag pa kayo mahiya naman kayo sa kanila wag nyo na dagdagan problema nila pleaseeeeee...

    Hep hep hep hep...sentimyento?...:D

    ReplyDelete
  6. haha hanep naman ang trip mo, ice cream sa malamig na oras! ma try nga hehe

    ReplyDelete
  7. ah eh kasi hobby na ng iba yung wrestlemania hehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.