Skip to main content

Do dogs go to heaven?



Mga ilang linggo na rin ang nakakalipas nung namatay si "Fender" o mas kilala sa tawag na "Beware", yung aso namin, pero nung sunday ko lang sya na-miss. Inatake uli kasi ng impulsive buying syndrome si wifey kaya napabili ng electric grill, napilitan tuloy akong mag chicken bbq nung linggo para naman ma-justify yung pag bili nya ng electric grill, at matapos nga ang kainan maraming buto ng manok ang natira, kung buhay si Fender malamang sa kanya nakatoka ang mga buto, oo hindi sosyal yung alaga namin, ayos na ang buto-buto, kahit left overs lang oks na sa kanya at hindi namin sya pinapakain ng dogfood kahit kelan, ang paborito lang nya eh yung Eggnog biscuit. Maganda naman ang lahi nya kahit ganun, sya ay isang Canis lupis familiaris or domestic dog, asong bahay lang. Fender yung pinangalan namin sa kanya, sunod sa tatak ng gitara ni sister nung nagaadik adik nag-babanda pa sya.


Sixteen years old na sya nung namatay, kaya para sa mga aso, she lived a full life ika nga, bale pang-apat na namin syang aso, una si "Blacky" at "Browny" wag nyo nang itanong kung anong kulay nila baka samain kayo, tapos sumunod si "Funny" oo tama ang hula nyo nakakatawa sya, matinding pag-iisip at pag-sasaliksik  pa ang ginawa ng mga magulang ko to come up with those kind of names. Si "Browny" yung kumagat sa ulo ko nung bata ako kaya ganito ako ka-pogi ka-paranoid sa mga aso na kumakain, napag tripan ko kasi na hilahin yung buntot ni Browny habang nakain, binigyan tuloy nya ako ng isang lesson in life na dadalhin ko habang ako ay nabubuhay -- magbiro na sa lasing wag lang sa asong nakain or any animal for that matter. -- Naalala ko nung namatay si "Funny" sabi ni tatay ilibing na lang daw namin sa bakanteng lupa sa harapan ng bahay, sa ilalim mismo ng swing sa may garden ni nanay, katabi ng poso, dun nga namin nilibing 6 feet under, pero nung mga ilang araw na umulan ng malakas, hindi naman sya bumangon, humalo lang sa tubig poso yung decomposing debris ni Funny kaya mga ilang buwan din namin na hindi napakinabangan yung poso, gusto ko sanang sabihin ke tatay, "do you have any more bright ideas tay?", kaya lang baka isunod akong ilibing ke Funny, looking at the brighter side, gumanda naman ang tubo ng mga tanim ni nanay sa kanyang garden dahil sa instant natural fertilizer na handog ng nabubulok na katawan ng aso.


Kaya naman nung namatay si Fender, sa likod bahay namin sya nilibing, katabi ng poso ng kapit bahay (evil grin). Maraming takot sa kanya sa lugar namin, lalo na mga babae, babae kasi si Fender at medyo selosa, nung first time ko ngang dinala si wifey sa bahay at pinakilala sya kay Fender eh ok naman at kalmot lang sa braso ang tinamo nya at muntik muntikan lang syang makagat, sayang este buti na lang (peace tayo wifey ^_^ ). Marami-rami na ring nakagat si Fender na intruder sa bahay including harmless small kittens and birds na pag-nasakmal nya eh iiwan lang nyang lifeless, di naman nya kinakain, parang territorial thingy lang. Napa-baranggay na rin ako for possesion of pogi face dahil naka-kagat si Fender ng bata na ginawang playground ang bahay at nag tatakbo sa loob, kaya sakmal sa binti ang inabot. Mahirap pa namang kontrolin yung temper ni Fender sa mga ganung sitwasyon kaya galit na sumugod ang mga magulang nung bata at pina baranggay nga ako. Pinaliwanag ko naman na quarterly ko pinapa-injectionan ng anti-rabies si Fender kaya no need to worry pero pinagamot ko pa rin yung batang nakagat. Simula nun eh lagi nang nakatali si Fender sa kanyang dog house, binansagan na rin syang "Beware" sa lugar namin dahil sa sign na nakasabit sa bahay na "Beware of Dog", ganyan ka-corny yung mga kapitbahay namin.


Since gurlaloo si Fender, maamo sya sa akin at ke tatay pati na rin sa mga tropa kong lalake, ganun sya ka-landi, masyadong papansin, pati nga si nanay, yung panganay at bunsong kapatid kong babae nakagat na nya, maliban sa akin at ke tatay. Pero meron talagang mga tao na hindi trip ni Fender mapababae o lalake, totoo siguro yung sabi-sabi na nase-sense ng aso pati ugali ng tao kaya pag masama ang ugali ng taong nagpupunta sa bahay walang tigil sya ng tahol, minsan nga nung pumunta yung byenan ko sa bahay talagang walang tigil yung tahol nya, joke lang hehe! Di naman masamang aso si Fender, natural lang naman kase sa aso ang tumahol sa mga tao na di nya kilala, parang instinct na nya na maging defensive sa kanyang territory at sa mga amo nyang naninirahan dito, iniisip nya na threat sa national security ang lahat ng pumasok na di nya kilala, kahit siguro Santo Papa pa sya. Sayang lang at di nagkaanak si Fender at walang naiwan na puppies. Di nya kasi trip makipaglampungan sa mga asong kalye sa labas ng bahay, mataas ata standard nya, gusto nya may breed kaya ayun namatay ng virgin, me mga kilala akong tao na ganyan din ang sinapit.


Nakaka-miss din si Fender kahit paano, matagal din yung fifteen years naming pinagsamahan, totoong dogs are man's best friend, minsan nga mas me sense pang kasama ang aso kesa ibang tao, totoong sila lang ang kayang magbigay ng tinatawag na "unconditional love", na sa panahon ngayon sa opinyon ko eh di na kayang gawin ng kahit sinong tao. Nagiisip pa rin kami kung kukuha pa kami ng bagong aso na aalagaan kapalit ni Fender, sa ngayon siguro hindi muna not unless magsawa sa akin si wifey ehehehe. Napa-isip tuloy ako nung tinanong ako ni Taz kung pupunta nga ba sa heaven si Fender, napupunta nga ba sa langit ang mga asong namatay? Di ko rin alam, wala ring makakapagpatunay pero makikisimpatya na lang ako ke pareng Mark Twain nung sabihin nyang...


"Heaven goes by favour. If it went by merit,

you would stay out and your dog would go in." 


- Mark Twain



Comments

  1. my condolences.. nauna pa si Fender sa heaven :)

    ps. hinding hindi makakalimutan nam mga kapitbahay ninyo si Fender, that's for sure

    ReplyDelete
  2. Naalala ko tuloy yung aso naming si michael...nakagat din ako sa ulo...tulo luha ko eh,hehehe...

    He kinda looks like fender too sir...antipatiko din,hehehe...

    I'm sure fender is happy now wherever she may be... :)

    ReplyDelete
  3. RIP fender.. naalala ko tuloy ung 4 na aso ko dati.. si alpine, si cheska, si boyong at si bogart.. ilang beses na nila akong nakagat pero hindi tumigil ang pagmamahal ko sa kanila.. :(

    ReplyDelete
  4. ang astig po ni Fender tulad din siya nung aso kong si Clyde [girl] matapang pero malandi po e ilang beses na po siyang nagkakaron ng miscarriages. kapayapaan kay Fender. aw

    ReplyDelete
  5. hinila mo rin ba yung buntot nya habang nakain? : )

    ReplyDelete
  6. 'Bogart' gusto ko yung name na yun...

    ReplyDelete
  7. yeah 16 yrs old thats like 80 yrs old sa tao hehehe

    ReplyDelete
  8. Haha! hindi nga sir eh, humiga lang ako sa tabi niya tapos ayun wala yata sa mood eh,hehehe...sabay kagat,hehehe...aray... :)

    ReplyDelete
  9. Condolence po sir, talagang mahirap makalimut ng alagang tunay... naalala ko tuloy ung aso naming si two-fifty (2.50)...

    ReplyDelete
  10. ok yung name ng aso mo ah... singkwenta na lang tres na hehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.