Kung meron mang sampal na dapat lumapat sa pisngi ng mga politikong atat na atat mahalal at nagtatago sa rasong 'marami silang matutulungan kung nasa tamang lugar sila at nanunugkulan... ' read: GOVERNMENT OFFICIAL, yung sampal na yon eh nasa katauhan ata ni Efren Peñaflorida. Walang tulong mula sa gobyerno, walang sapat na pondo, walang sapat na manpower, ni hindi sila kumikita sa ginagawa nila, ang tanging sapat lang at naguumapaw eh yung kagustuhang tumulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya 'Will Power' kumbaga.
'Will Power' at 'Wheel Power', dahil bukod sa sinseridad sa pagtulong, gamit din nila Efren kasama ang Dynamic Teen Company ang Kariton para lumibot sa iba't ibang lugar upang tulungan ang mga bata sa mga mahihirap na lugar para magkaroon naman sila ng kahit na kapirasong edukasyon, yung kariton ang kanilang instant classroom.
Sila yung naghihirap na makapagturo sa mga batang nangangailangan ng edukasyon ng walang inaasahang kapalit, sila yung pilit na bumubura sa larawan ng kamangmangan sa ating bansa at sila yung nagmumulat sa atin kung gaano kalaki ang pagkukulang ng gobyerno na matugunan yung mga pangunahing pangangailangan ng mga tao gaya ng edukasyon, tutal edukasyon na rin naman ang pinaguusapan natin, paki-compute naman kung paano tumaas mula P66.87 million nung 2001 at naging P143.54 million nung 2008 yung declared net ni GMA na sumusweldo lamang ng P45,000 a month? You do the math.
At paano natin masasampal yung mga tao sa gobyerno?
Iboto mo lang si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year dito
and let his heroism be a slap right smack at the government's face of failure. At kahit na hindi naman sya humihingi ng anumang parangal atleast mabigyan naman natin sya ng isa pang rason para maipagpatuloy nya yung kanyang nasimulan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol kay Efren Peñaflorida magtungo lang dito
--> Efren Peñaflorida a Modern Day Hero
Para sa iba pang katanungan magtungo dito
--> tanong ba kamo?

mAKASAMPAL NGA NG ISA!
ReplyDeleteMAY BUTO AKO! :-)
kAHIT ILAN BA PWEDE?
Pa-kopya ha!
ganito yan schoolmate ric....hanapin mo ang mga income tax file return mo, tapus bilugin mo...then pag may nakita kang magsasalita tungkol sa mga fairytale na accomplishment ng gobyerno...bahala ka na kung saan mo palalapatin!
ReplyDeleteoks lang, spread the word... salamat!
ReplyDeletepwede bang barilin na lang hehe
ReplyDeleteDapat syang parangalan!
ReplyDeletekasi ang mga nakaupo, ayaw nang lumabas sa mga aircon na opis nila. si efren nagliliyab ang puso upang makaraos at makatulong. sadyang totoong pusong pinoy sya. bigyan mo sya ng katungkulan, bigyan mo sya ng pera upang lalo pang makatulong, d na sya kasingbisa nung syay wala pa sa pwesto. bakit? kasi kelangan sumunod na sya sa audit procedures, mga dos and donts, at mrami pa iba.
ReplyDeletesamakatuwid, mas nakakatulong ang isang individual kung gagawa sya sangayon sa kanyang nalalaman at kagustuhan, kaysa sa isang indibidual o grupo na tali naman sa mga alintuntunin sa pagpapaptupad.
kaya kung kaya mo rin lang mag isa, at kung grupo man kayo at may sinusunod na simpleng alituntunin, mas mabisa kayo kaysa sa maperang organisasyon kagaya ng gobyerno na tali naman sa mga alituntunin...hangang sa kasusunod at ka0-audit, wala nang magawa. kawawang taong bayan. bulok din kasi ang burukrasya, ang tingin lahat sa nagsisilbi ay magnanakaw. kawawa tuloy ung tapat maglingkod. damay sila talaga.
kuya rick, gawa ka din ng top 10 officials na masayang sampalin! :P
ReplyDeleteERAP, pls nmn po! kun gusto mong bumawi kay Gloria at tumulong sa mga mahihirap, gamitin mo na lang lahat ng pera mo para ipambayad sa pinakmagaling na abugado sa Pinas, pra pag-babang-pagbaba nitong si Gloria, sampahan mo agad ng demanda sa lahat ng pangungurakot at pagkakasalang ginawa niya sa bayan. Mas maalala ka ng taong bayan, hahangaan ka pa at maaring kalimutan na ang mga pag-kakasala mo.... this is your best chance for redemption not the presidency!
ReplyDeletehi, i happened to drop by on your page.... i just want to say thank you for being a voice, one of the many.
ReplyDeleteIBALIK SA MGA PILIPINO ANG PERA NG BAYAN!
KATARANTADUHAN ANG PANGUNGURAKOT!!!
very well said :) ... i really hope he wins :) ..
ReplyDeletehmmm mukhang kulang ang sampu... Top 100? : P
ReplyDeletesalamat sa pagbisita!
ReplyDeletesalamat... yeah hope he wins...
ReplyDelete