Skip to main content

Salamat Ondoy!



Sa titulo pa lang parang dadami ang mangangaway sa akin gaya nung ke Jacque Bermejo, napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba o hindi, since kulang kulang naman yung isip ko eh tinuloy ko na rin. Pero ano ba talaga ang dapat ipagpasalamat ke Ondoy? Mga nasalantang kabahayan? Mga namatay na mahal sa buhay? Mga nawalan ng tirahan? Mga nasirang kabuhayan? Lahat yan negative, ni hindi papasok sa isip mong bigyan ng pasasalamat ni katiting, sobrang pahirap at sakit sa kalooban lang ang maisasagot ng bawat taong nakaranas ng lupit ni Ondoy, pero lahat ba yan ginusto ni Ondoy?

Si Ondoy! Si Ondoy na walang malay! Kasalanan ba nya na lumakas yung ulan na binagsak nya gayung resulta lang naman yun ng natural na ikot ng kalikasan, yung pag-init ng mundo, global warming sabi ng mga eksperto, hindi ba natin naisip yon? Umiinit ang mundo kaya natural na lumakas ang evaporation process, mas mainit mas maraming tubig ang nage-evaporate at natural naman na yung tubig na naipon sa mga ulap eh babagsak din pag-naglaon. So dapat ba nating sisihin ang Global Warming? Syempre hindi naman nasipot bigla si global warming basta basta, dahil gaya ng mga pimple sa mukha mo, merong dahilan kaya natin sya nararanasan ngayon.  Alam naman natin na bawat isa sa atin malamang nakapag-ambag ng mangilan-ngilang mga bagay na nakakadagdag sa pag init ng mundo, sabi nga nila walang ibang dapat sisihin dito kundi si Gloria at ang ating mga sarili, isipin natin na resbak lang to ng inang kalikasan.

Hindi ko na ie-elaborate pa, malinaw naman sa lahat yan at palagay ko naman naiintindihan yan ng karamihan, at kahit ano pang pagpapaliwanang ng mga eksperto tungkol sa global warming at climate change isa lang din naman ang puno't dulo nyan, yung kapabayaan natin, hindi ko na iisa-isahin kung anu ano ang mga yon dahil wala rin naman akong mala-Noble Peace Prize na solusyon na maiiaambag, baka masabihan lang ako na puro puna wala namang solusyon na maipresenta sa problema. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, yung solusyon sa problema dapat nagsisimula sa ating mga sarili, sa atin dapat nauuna ang pagbabago, halimbawa madalas kang manood ng telenobela sa tv kasi jologs ka, eh alam naman natin na ang init mula sa mga telebisyon eh dumadagdag sa global warming, bakit hindi ka na lang magbasa ng pocketbooks? Pareho lang din naman ang istorya nyan, jologs ka pa rin naman pero less harm sa nature, mas maganda yun di ba?

Maraming nagalit ke Ondoy, kumbaga kung snatcher sya sa Quiapo malamang nakuyog na sya ng taong bayan, madaming blog akong nabasa na naglalabas ng hinanakit nila ke Ondoy so bakit naman ako magpapasalamat ngayon? Juma-Jacque Bermejo na ba ako at gusto kong maging overnight net sensation? Hindi naman dahil sa gusto ko lang maging orihinal at  kumontra sa agos ng galit ng mga tao ke Ondoy, dahil ang totoo, sa nakita ko sa tv, sa narinig ko sa radyo, at lalo na sa personal kong experience sa mga nangyari, meron pa ring dapat ipagpasalamat gaano man kasakit sa kalooban ang nagawa ni Ondoy.

Tingnan nyo na lang sa ibang perspektib... salamat kay Ondoy at muli uli tayong napalapit sa Diyos na syang kinapitan natin sa oras ng paghihirap, nakakalungkot lamang na sa tuwing meron lamang trahedyang ganito o meron lamang tayong problema madalas saka lamang natin sya naaalala. Pero kahit malimit tayong magkaroon ng amnesia pagdating kay Bro, sigurado naman na pinakikinggan nya tayo.

Salamat ke Ondoy namulat tayo sa pag balewala natin sa kalikasan, ngayon nalaman natin na higit kelan pa man mas nararapat na simulan na natin ang pagbabago sa pakikitungo natin ke mother nature, gaya ng nasabi ko at nasabi na rin ng madaming tao, lahat dapat nagsisimula sa ating mga sarili, sa tingin ko naman at sa palagay ko marami ang sasangayon na hindi pa huli ang lahat.

Salamat kay Ondoy bagama't nakakalungkot na marami ang binawian ng buhay, nagsilbi naman itong daan upang matuto tayong mas pahalagahan ang mga taong nasa paligid natin lalo na ang mga mahal natin sa buhay, sapat na yung magalala tayo sa ating kapamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho para malaman nila na mahalaga sila sa atin at ayaw natin silang mawala dahil parte nga sila ng buhay natin.

Dahil kay Ondoy natutunan din nating pahalagahan ang mga bagay na meron tayo gaano man ito kaliit o kalaki, kamura o kamahal, nakita natin na lahat ng bagay ay maaaring mawala sa isang iglap, at walang pinipili ang pagkakataon mayaman ka man o mahirap.

Salamat kay Ondoy at napatunayan nating buhay pa rin ang diwa ng bayanihan, hindi matatawaran ang pinakita nating pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino sa oras ng pagsubok, makikita natin sa tv kung gaano ka concern ang bawat isa sa atin para sa ating mga kababayang nasalanta, nakakatuwang makita na kumikilos tayong lahat bilang isang nasyon, ang hindi nakakatuwa eh yung mangilan ngilang tao sa Local Water Utilities Administration (LWUA), kaya naman nagpapasalamat din ako kay Ondoy at namulat tayo sa ugali ng mga taong mapagsamantala na gumagamit ng mga ganitong sitwasyon maitulak lamang ang kanilang pansariling interes, hindi na ko magbabanggit ng pangalan malamang alam nyo na kung sinu-sino ang tinutukoy ko.

At panghuli, salamat kay Ondoy, at naturuan ng leksyon ang mga awtoridad at mga taong nanunungkulan sa pamahalaan na protektahan sa ganitong pagkakataon ang kanilang mga pinamumunuan upang hindi na maulit o mabawasan man lang ang pinsalang naidudulot ng hindi pagiging handa sa mga kalamidad, sana lang at lubos kong pinagdadasal na sana natuto naman sila.

Kung titingnan mo naman kasi kailangan lang maranasan natin yung mga negatibong bagay para matutunan natin yung mga positibong bagay, experience talaga ang best teacher. Ang tanong na nga lang, ilang Ondoy pa kaya ang dadaan para maliwanagan tayo? Ganun pa man kahit ilang Ondoy pa yan alam nating malalagpasan nating lahat yan, sabi nga sa kanta ng South Border... "there's a rainbow always ... uhm... up there in the sky"... ok so hindi ko kabisado yung kanta... sorry naman.


Comments

  1. Galing pare ng pagkakagawa ng blog mo, ayus, magaling!

    Tama ka Experience is the best teacher.

    God bless PINAS!

    ReplyDelete
  2. ang husay at may kabuluhan...keep it up partner...

    ReplyDelete
  3. sir ,, wala pong strike yung pangalan ni Gloria ..
    hehehe ..

    haii~ kaantig ! tama tama ..

    ReplyDelete
  4. there's a rainbow always after the rain!!! hehehe

    ReplyDelete
  5. pwera sa huli... hindi ko talaga kabisado yung kanta hehe

    ReplyDelete
  6. ah talagang hindi ko nilagyan ng strike yun... kaya may 'at'... : )

    ReplyDelete
  7. gusto ko nito! gusto kitang parangalan ng postive energy award para dito, napakainspiring :)

    ReplyDelete
  8. think pasitib... walang aayaw! (repeat 5x)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.