Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2008

Banila ays ays bebe...

So sya pala yon… medyo late ko na nalaman (super late?), at aksidente pa mula sa isang multiply user na nagview ng site ko na viniew ko rin ang site nya dahi viniew nya yung site ko kaya viniew ko rin yung site nya na… tama na para na kong tanga… Ang tinutukoy ko eh si Pablo Banila oo tama si Pablo Banila, kung kaano-ano nya si Banila Ice eh hindi ko alam at hindi ko rin alam kung bakit ako nagbibitiw ng ganitong mga superdupertothemax corny jokes. Ilang blog din ang nasilip ko na ang laman ay tungkol kay Pablo Banila, maraming nahiwagaan sa kanya pati ako, at malamang ay isa kayo sa mga nabisita nya, may nagsasabing isa syang ‘cyber stalker’ meron namang nagsa-sabi na isa syang ‘psycho’ at meron ding chismis na isa lang syang ‘student’ na gumagawa ng research online at ang pinaka nakakatakot at kahindik hindik sa lahat eh isa daw syang pakawala ng gobyerno! Meron pa bang mas nakakatakot dun? Ilang beses din syang bumisita sa multiply site ko pero pag click ko sa multiply site nya ...

Your so beautiful I can’t give you my seat

Bus story No.003 Hindi naman lubos ang pagka-gentleman ko, sa bus halimbawa, hindi ako basta basta nagbibigay ng upuan sa babaeng nakatayo kung alam ko naman na able sya at mukhang kaya naman nyang tumayo sa byahe mula Manila hanggang Tuguegarao, nagbibigay lang ako ng upuan sa babae kung (1) matanda/senior citizen na sya mga above 45 siguro or basta alam kong mahina na para mag-ballroom dancing makatayo ng matagal sa bus, (2) may anak na karga or madaming gamit na dala, yung parang dala ang buong bahay sa dami ng dala (3) may kapansanan at mukhang hindi na talaga kayang tumayo pa sa kahabaan ng byahe, gaya ng uhmm… amputated na ang dalawang paa? at (4) kung ang babae ay matandang may bitbit na gamit at may kargang anak na amputated ang dalawang paa, sa ganitong mga pagkakataon ko pina-practice ang aking pagka-gentleman at tumatayo ako para ibigay ang upuan ko na walang hinihingi na kapalit maliban sa pera . Pero kung ang babaeng nakatayo eh wala sa mga nabanggit eh nananahimi...

Secret Santa No More

Oo kilala na kita, una pa lang ikaw na hula ko, ginulo lang ni menggay ang utak ko, at ngayong sigurado na ako kung sino ka, base na rin sa aking di-mapagkakatiwalaang source na mas matindi pa kay Jobert Socaldito at Christy Fermin, ikaw ngayon ay aking pinasasalamatan. Nararapat lamang na magpasalamat ako sa iyo at isa ako sa mga niregaluhan mo ng treat out of all the many people in this whole wide universe of ours, (parang pang ms. world yun ah) eniweys, sabi nga nila eh its the thought that counts kaya more than the treat thanks-a-lot peklat talaga dahil napaligaya mo ako nung araw na yun at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang ngiting namutawi sa aking mga labi (ok OA na) nung natanggap ko ang email na yun.  Alam mo naman ako, if i'm happy and i know it, i clap my hands or stomp my feet. Hindi nga ako nagkamali gaya ng nasabi ko, sadyang busilak nga ang iyong puso at tama ka, mas lalo ngang pinabusilak yan dahil sa kaka-opera mo lang sa puso di ba? ahehehe. Kaya nara...

Phobia

Ironic itong nadiskubre ko… ang tawag pala sa fear of long words eh – Hippopotomontrosesquippeddahophobia … eto na yata ang isa sa pinaka-mahabang salita at kung meron kang takot sa mahahabang salita eh parang ayaw mo na tong basahin. Eto yung tipong pwedeng ipang-punchline sa mga gag shows…   Eksena   Pasyente: Doc me diperensya po ata ako. Doc: Bakit naman ano bang nararamdaman mo? Pasyente: Meron po akong takot sa mahahabang salita, ano po ba tawag dun? Doc: Fear of long words ba kamo? Ang tawag dyan ay Hippopotomontrosesquippeddahophobia . Pasyente: Nyaaaaaaarggggghhhhhhhhh!!! Doc: OA mo naman, buti nga hindi ko sinabing may pneumonoultramicroscopicsilicovolcanokoniosis ka e. Pasyente: (kisay, kisay)   Hinahanap ko kasi yung tawag sa phobia ko eh at nagkataon na andami palang term sa mga phobia phobia na yan, ilan dito ang sabihin na nating medyo entertaining at medyo pinangiti ako gaya ng mga sumusunod:   Ablutophobia - fear of bathing (...

Judgmental

Bus story No.002 Hina-hum ko ang ‘I don’t like Mondays’ ng Boomtown Rats sa isip ko habang nag-aabang ako ng bus kahapon dahil hate ko talaga ang Mondays, weekend hang-over yata tawag dun. Andami pang tao na nag-aabang pero ang konti ng bus, kumbaga sa marketing, sa law of supply and demand, mas madami ang demand kesa sa supply. Merong ilang bus ang nagdadaan pero puro tayuan na, ayoko naman tumayo sa bus dahil maarte ako. Ilang minuto pa at sa wakas me dumaan na ring bus na medyo maluwag-luwag kaya napalundag kaming lahat sa tuwa at sinalubong ang bus with open arms, hindi naman literal dahil kung ginawa namin yon eh malamang ikamatay namin. Isa-isa na kaming pumila para makasakay at halata sa mukha ng kunduktor ang labis na kaligayahan dahil sa mga ganoong pagkakataon nya lang nararanasan na maging celebrity na pinagkakaguluhan, kahit kunyari lang, dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi talaga sya ang pakay namin kundi yung makasakay ng bus. “sige pasok lang maluwag yan ...

Patience is a virtue

Mahaba naman talaga ang pasensya ko, kung may isang magandang bagay na namana ko mula sa aking mahal na ina eh yun yung pagiging pasensyoso ko, si nanay kasi sobrang haba ng pasensya, isa yata sya sa mga fans ni Confusius nung sabihin nyang 'patience is a virtue', na parang kahit sunugin mo yung bahay namin ok lang sa kanya at naka ngiti pa rin. Ngayon eh nandito ako sa Netopia nag-iinternet dahil naghihintay din ako sa pina-print kong 5R photo sa isang printer, imagine mo apat na 5R eh 1hr ang hihintayin ko, kaya ang pinaka mainam eh mag-aksaya ng oras sa kapaki-pakinabang na paraan, ang mag-net. Mga ilang minuto palang akong nakakaupo ng may-isang matandang babae ang umupo sa katabi kong computer, mag re-rent din sya, mga around 60+ na sya sa tingin ko, nagulat ako dahil at her age eh up to date pa rin sya technology, or so i thought... "toy san ba ang yahoo dito?" sabi nya... medyo na flatter ako dahil totoy ang tawag sa akin, ibig sabihin ba nito mukha pa rin ...

Deja Vu

Ang pagkaka-alam ko ang 'Deja Vu' eh yung isang eksena na alam mong nangyari na pero naulit uli, ayon sa Wikipedia ang Deja Vu - also called paramnesia, from Greek παρα "para," "near" + μνήμη "mnēmē," "memory") or promnesia , is the experience of feeling sure that one has witnessed or experienced a new situation previously. An individual feels as though an event has already happened or has happened in the near past. The "previous" experience is most frequently attributed to a dream, although in some cases there is a firm sense that the experience " genuinely happened " in the past. Kung gayon 'Deja Vu' nga yung na-experience ko nung linggo, alam ko kasi kakapasok ko lang sa toilet para dumumi, pero ilang saglit lang eh nakita ko na naman ang sarili kong nasa toilet na dumudumi uli, alam kong na-experience ko na yung eksenang yun kani-kanina lang... 'Deja Vu' nga yun... Kung gusto nyong makarana...

It’s beginning to look (and feel) a lot like Christmas

Nakakatuwa dahil mga ilang gabi ang nakalipas paguwi ko eh sinalubong ako ng mga kumukuti-kutitap na ilaw sa aming bahay, umatras pa ko palabas at sinipat sa malayo ang bahay namin sabay lingon na rin sa paligid para ma-convince ko yung sarili ko na nasa tamang lugar ako, at yung bahay na tinitignan ko eh bahay namin talaga. Bukod sa medyo malamig-lamig na sa madaling araw eh isa-isa nang nagsusulputan ang mga Christmas lights sa kalsada, isa lang ang ibig sabihin nito, dumadami na ang mga beerhouse? Hinde, syempre it’s the holiday season! Ang ikatlong season dito sa atin bukod sa tag-init at tag-ulan. Kaya naisipan ko na ring mag lagay ng Christmas lights sa aking ‘header’, dahil sadyang inggitero ako, di ko lang naayos na maigi dahil bukod sa inggitero eh medyo me katamaran din ako. Bahagi na siguro ng ating Christmas culture ang mga Christmas lights, maihahalintulad siguro yan sa puto bumbong, karoling, simbang gabi at mga nagtatagong ninong at ninang, dahil hindi kumpleto ang ...

Kilala mo ba kung sino ako?!!

Di talaga maiiwasang maka-experience ka na may makasakay na lasing sa jeep, unless me kotse ka hindi mangyayari yun, ok lang sana kung yung tipong tahimik lang na lasing, pero yung maangas na lasing, yun yung iniiwasan ko. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at pinagtagpo kami ng maangas na lasing kamakailan lang. Sumakay yung matabang lasing (think Ike Lozada in his prime) sa jeep na sinasakyan ko pauwi. Relax naman ang lahat bago sya sumakay, sinasabayan pa nga ng tatlong emo kids yung tugtog sa jeep na “Passenger Seat”, nasabi kong emo sila dahil all black sila kung manamit tapos may nakasulat pa sa shirt nila na ‘emo punk’ yung isa naman ‘my chemical romance’ at yung isa uhmmm ok ‘Rose Enterprise’ yung nakalagay sa shirt nya pero naka half slit naman yung bangs nya na natatakpan yung kalahati ng mukha nya kaya sa opinion ko e emo sila… daw, hindi ko lang alam kung ba’t kabisado nila yung lyrics ng “Passenger Seat”. Going back, inaasahan kong uupo yung mamang lasing sa maluwa...

I think therefore I am : Random Ramblings

Madalas akong mapuyat nitong mga nakaraang araw dahil pagka-galing sa opisina, nagpipinta pa ako then after nun e naglalaan pa ko ng tatlong oras sa Grand Teft Auto (PSP), naisip ko lang, kung sa isang araw eh tatlong oras ginugugol ko sa paglalaro ng PSP, sa isang linggo eh 21hrs o kulang-kulang isang araw ang nakukunsumo ko sa pagp-PSP lang, sa isang buwan 90 oras o 3 3/4 araw, at sa isang taon 1,080hrs o almost 45 days, 1 month and a half halos ang nasasayang ko sa pagp-PS P lang, which leads me into a conclusion… na para magkaroon ako ng Weapon Set 2 eh kailangan ko lang pindutin ang: up, O, O, down, left O, O, at right buttons at whoola! may Set 2 weapons na ko… ang galing! ** Naisip ko lang, pag nagbebenta ka diba mas mayroong re-sale value yung mga hindi gaanong nagagamit? Slightly used kumbaga. So naisip ko, na kung ibebenta pala yung mga ‘utak’ nung mga local gov. engineers ng Las Piñas, na may pakana ng pagbaha sa amin, eh mahal pala! Bakit ka nyo? Bihira din kasi n...

Artist ka ba?

“Artist ka ba?” Nagulat ako sa tanong nung mama na nakasabay kong bumibili ng gamit sa National Bookstore nung sabado, “Ano po?” patanong na sagot ko, kahit na alam ko sa sarili ko na narinig ko yung tanong nya na malinaw naman ang pagkakabigkas, “Painter ka ba?” iniba na nya yung tanong, siguro dahil nakita nya akong nabili ng paintbrush kaya nya tinanong. Naghahanda kasi ako para sa isang group exhibit for November kaya kailangan kong bumili ng ilang gamit. “Ah eh hobbyist lang po” yun lang ang nasagot ko matapos kong pag-ispan ng ilang saglit (mga 3 seconds) yung tanong nya, nakaka-intimidate yung mama, daig pa yung mga pulubi sa quiapo kung mang-intimidate, artist na artist yung dating kasi on all angle ng pes nya, pati pananamit artist na artist, yung tipong may tulo tulo pa ng laway este pintura yung damit nya at amoy linseed oil, hindi ko lang alam kung pabango nya yun pero ganun ang amoy nya, kulang na lang mag lagay sya ng name tag na may naka-sulat na “Artist Ako” na nakas...

Very Fast (A Pinoy Taxi Driver’s Tale)

This is a hand-me-down story from a driver of the taxi I took from Baclaran to Las Piñas, lahat ata ng taxi driver merong kwento about anything, kahit di mo kausapin ku-kwentuhan ka, so ikaw naman no choice kundi makinig, minsan naisip ko, sana nagb-blog na lang din yung mga taxi driver para meron naman silang outlet nung mga istorya nila. But I find this one amusing, parang in the same context as “We Filipinos are Mild Drinkers” . It’s about an arrogant Japanese man who met a witty Pinoy taxi driver, if youre a regular taxi commuter you’ve probably heard about this one, ito yung istorya na mapapa-sabi kayo sa huli ng “take that biatch!” Very Fast Mula sa arrival area ng airport pumara ng isang taxi ang lalaking Hapon, pangalawang beses na nya sa ating bansa kaya medyo pamilyar na sya sa lugar, isang Kia Pride na taxi ang pumara sa tapat nya, halatang medyo dismayado ang Hapon sa nakuha kaya medyo luminga-linga muna sya na wari’y tumitingin pa para sa ibang taxi bago su...