Skip to main content

Artist ka ba?

“Artist ka ba?” Nagulat ako sa tanong nung mama na nakasabay kong bumibili ng gamit sa National Bookstore nung sabado, “Ano po?” patanong na sagot ko, kahit na alam ko sa sarili ko na narinig ko yung tanong nya na malinaw naman ang pagkakabigkas, “Painter ka ba?” iniba na nya yung tanong, siguro dahil nakita nya akong nabili ng paintbrush kaya nya tinanong. Naghahanda kasi ako para sa isang group exhibit for November kaya kailangan kong bumili ng ilang gamit. “Ah eh hobbyist lang po” yun lang ang nasagot ko matapos kong pag-ispan ng ilang saglit (mga 3 seconds) yung tanong nya, nakaka-intimidate yung mama, daig pa yung mga pulubi sa quiapo kung mang-intimidate, artist na artist yung dating kasi on all angle ng pes nya, pati pananamit artist na artist, yung tipong may tulo tulo pa ng laway este pintura yung damit nya at amoy linseed oil, hindi ko lang alam kung pabango nya yun pero ganun ang amoy nya, kulang na lang mag lagay sya ng name tag na may naka-sulat na “Artist Ako” na nakasabit sa leeg nya.

Hindi ko alam kung ba’t nabubulol ako sa tuwing tinatanong ako kung painter ba ako, bakit kasi kailangan pang lagyan ng label ang isang bagay na ginagawa mo, ok nagpipinta ako, does that make me a painter? Tingnan natin sa ibang konteksto, kung kaya ko bang talunin sa pataasan ng score sa videoke ung kapitbahay naming ngo-ngo, does that make me a singer? Kung marunong akong tumugtog ng gitara musician na ba ako? So babalik tayo sa una kong tanong na dahil ba nagpipinta ako, maituturing ko na bang painter yung sarili ko? Bakit andami kong tanong?

Siguro dahil sa hindi naman ako painter by profession kaya nalilito akong sagutin yung mga ganyang tanong, I mean kung pagbabasehan mo kasi ang profession ng isang tao maia-apply mo yung ‘labeling’ na tinatawag, kunyari yung taong nanghuhuli ng isda, tawag sa kanila ‘mangingisda’, yung nagtatanim sa bukid ‘magbubukid’ o kaya yung ginagawang profession yung pagtambay sa kanto ‘manganganto?’ (mag-ingat lang sa pag basa please) so applicable sa kanila yun pwede silang ‘i-label’ kumbaga. Kaya nga yung ibang profession nakakabit na sa pangalan nila kung ano yung trabaho nila, gaya ng Atty. Mendoza, Dr. Calayan, SPO1 Mananggo, Captain Barbel at iba pa. Pero para sa akin na hindi naman pinagkakakitaan ang pagpipinta nahihirapan akong ‘i-label’ o tawaging ‘artist’ o ‘painter’ yung sarili ko, hindi ko din masisi yung sarili ko kung sa tuwing tatanungin ako kung painter ba ko eh parang nalulunok ko yung dila ko at hindi na ako makasagot. Maaring mali ako pero totoong nalilito ako sa mga ‘label’ na ikinakabit sa bawat tao batay sa kung anuman ang ginagawa nila sa buhay.

Natandaan ko nung nakausap ko si Robert Alejandro (PROBE, Papemelroti) sabi nya kahit sino naman pwedeng maging artist basta gusto lang nya yung ginagawa nya at nag-e-enjoy sya sa dito, regardless ng kung ano man ang ginagawa nya. So yung mga taong nag bubungkal ng imburnal sa kalsada basta nage-enjoy sila, pwede na silang tawaging artist ganun ba yun? Hindi ko talaga maintindihan dahil bawat paliwanag siguro sa akin nagli-lead lang into another question.

Siguro ako lang to… parang yung linya sa isang lab story sa sine… “Its not you, its me!”


Kayo... artist ba kayo?



Comments

  1. may tanong ako sau..

    artist ka ba?!

    ReplyDelete
  2. Broad kase ang world ng art eh di ba sir? painting is a form of art, as well as music, literature, poetry, photography at madaming madami pang iba. I guess Robert Alejandro has a point din in a way. Puro tanong din ako, not for myself but with everything I see and hear...Maybe life itself is one big art...now I'm confused,hehehe..., I enjoyed reading the story sir... :)

    ReplyDelete
  3. ang gumagawa ng tubo tapos nageenjoy sa ginagawa nya artist din ba yun?di ba tubero?e yung nagboboksing tapos nageenjoy magpagulpi artist din? e di ba boksingero?

    siguro nasanay lang tayo na kung anu propesyon ng isang tao yun na ang tawag sa kanya..nagkataon na pagnagpipinta tapos nageenjoy cya or nagpapanggap lang artist ang tawag..

    pero sa totoo lang nalito din ako oo nga no?artist ba ako?
    pero meron agad ako sagot sa sarili ko "alagad po ako ng sining"
    pahumble ba..:D

    pero sir galing talaga ng mga nilathala mo..

    ReplyDelete
  4. sana lang hinde makahon o malagay sa kahon ang isipan ng mga tao, kung sa anong bagay ang ginagawa mo... mapapinta man o kahitt ano pa... basta enjoy ka... bow...

    ReplyDelete
  5. haha oo nga life itself is a big question mark din... : )

    ReplyDelete
  6. "alagad ng sining?" hmmm oks yun ah!

    ReplyDelete
  7. i agree! NO TO STEREOTYPING! hehe...

    ReplyDelete
  8. wahahahaha yan ang mga banat!!! Ang lufet mo tita!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...