Skip to main content

Very Fast (A Pinoy Taxi Driver’s Tale)

This is a hand-me-down story from a driver of the taxi I took from Baclaran to Las Piñas, lahat ata ng taxi driver merong kwento about anything, kahit di mo kausapin ku-kwentuhan ka, so ikaw naman no choice kundi makinig, minsan naisip ko, sana nagb-blog na lang din yung mga taxi driver para meron naman silang outlet nung mga istorya nila. But I find this one amusing, parang in the same context as “We Filipinos are Mild Drinkers”. It’s about an arrogant Japanese man who met a witty Pinoy taxi driver, if youre a regular taxi commuter you’ve probably heard about this one, ito yung istorya na mapapa-sabi kayo sa huli ng “take that biatch!”


Very Fast

Mula sa arrival area ng airport pumara ng isang taxi ang lalaking Hapon, pangalawang beses na nya sa ating bansa kaya medyo pamilyar na sya sa lugar, isang Kia Pride na taxi ang pumara sa tapat nya, halatang medyo dismayado ang Hapon sa nakuha kaya medyo luminga-linga muna sya na wari’y tumitingin pa para sa ibang taxi bago sumakay. “Good afternoon sir!” bati ng driver pagka-sakay na pagka-sakay ng hapon, “Oke oke” sagot naman ng hapon na patingin tingin pa rin sa may likuran nya, umaasa pa ring may ibang taxing masasakyan.

“Where to sir?” tanong ng driver sabay baba ng metro ng taxi, “Manila Pen, and make it fast!” sagot ng hapon, “why you only have few taxi today?” pahabol na tanong ng hapon, “its lunch time sir, most of the taxi drivers are having their lunch”sagot ng driver, “Aaaaiiii, in Japan service first before anything else” sagot naman ng hapon, “we have to eat somehow sir or else we can’t perform our job well with an empty stomach” pabirong sagot ng driver. Tumahimik saglit ang hapon halatang medyo nairita.

“You’re alone sir?” tanong uli ng driver, napangiti ang hapon sabay sagot “yes alone now but maybe tonight I get company from the club hehehe”, “eh manyakis pala ito eh” pabulong na sagot ng driver, “what you saying?” tanong ng hapon, “ah nothing sir, nothing” nakangiting sagot ng driver. “You Filipinos have lot of videoke bar ha hehehe”sabat ng hapon habang naka-tingin sa gilid ng kalsada kung saan makikitang pila-pila ang mga videoke bar. “do you know that videoke came from japan?” pahabol ng hapon, “Yes sir videoke came from Japan, it originated from the Karaoke right?” sagot ng driver “Yes from karaoke, you’re right” sabi ng hapon. “Did you know sir that karaoke was patented from what you call a ‘Minus-one’ a sing-along machine that was invented by Roberto del Rosario who is by the way a Filipino” pagmamayabang ng driver, napa-tahimik na naman ang hapon sa puntong yon at halatang mas nairita.

“Tell me, what is this car that you drive” tanong ng hapon, halatang gustong bumawi “This is Kia Pride sir, why do you ask sir?” sagot ng driver. “Do you know that most of the parts of this car is made from Japan?” sabi ng hapon, “Ah really sir? I don’t know that sir, all I know is that this car is locally assembled” sagot ng driver, napa-tahimik na naman ang hapon.

“You see that car?” tanong ng hapon sabay turo sa isang kotseng nag-overtake sa kanila, “The Toyota sir?” tanong ng driver, “Yes Toyota, that car made from Japan, VERY FAST!” pa-tawang sagot ng hapon, hindi nakasagot ang driver. “What about that car?” sabay turo ng hapon sa isa pang nag-overtake na sasakyan, “Mitsubishi sir” sagot ng driver, “Yes Mitsubishi, that car made from Japan, VERY FAST hahaha” pagma-mayabang ng hapon habang ang driver ay tahimik lang at naka-ngiti. Di pa man nag tatagal may isa na namang kotse ang nag-overtake sa kanila, “That car also” sabay tapik ng hapon sa balikat ng driver at pangusong itinuro ang naunang kotse, “That’s a Honda sir” sagot ng driver, “Yes Honda, that car made from Japan, VERY FAST hahahaha!” namumulang sagot ng hapon tuwang-tuwa sa mga pinagmayabang nya habang tuloy lang sa pagda-drive ang pinoy.

Ilang saglit pa ay huminto na sa tapat ng Manila Pen ang taxi, “Here we are sir!” sabi ng driver “Oke oke, how much I pay you?” tanong ng hapon, sabay bukas ng pinto ng kotse, “It’s 250 pesos sir” sagot ng driver, “WHAT?!” pasigaw na tanong ng hapon, “why so high? For a short distance run?” medyo galit na tanong ng hapon, “Ah sir, this meter” sagot ng driver sabay tapik sa taxi meter nya, “This Taxi Meter, made from Japan, VERY FAST!”


Sabi nga ni Pacquiao... "GO PELEPENS!"



Comments

  1. at dun nakabawi ang pinoy..minsan lang bumanat pero hakot lahat..maganda ngang di nagyayabang at yun nga tignan nyo ang hapon na-gisa sa sarili nyang mantika..:D

    ReplyDelete
  2. hahah.. at natuwa ako dito.. lufet ni manong driver. :)

    ReplyDelete
  3. hahah.. at natuwa ako dito.. lufet ni manong driver. :)

    ReplyDelete
  4. malupet talaga ang noypi ayaw papa-isa : ))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...