Skip to main content

I think therefore I am : Random Ramblings

Madalas akong mapuyat nitong mga nakaraang araw dahil pagka-galing sa opisina, nagpipinta pa ako then after nun e naglalaan pa ko ng tatlong oras sa Grand Teft Auto (PSP), naisip ko lang, kung sa isang araw eh tatlong oras ginugugol ko sa paglalaro ng PSP, sa isang linggo eh 21hrs o kulang-kulang isang araw ang nakukunsumo ko sa pagp-PSP lang, sa isang buwan 90 oras o 3 3/4 araw, at sa isang taon 1,080hrs o almost 45 days, 1 month and a half halos ang nasasayang ko sa pagp-PSP lang, which leads me into a conclusion… na para magkaroon ako ng Weapon Set 2 eh kailangan ko lang pindutin ang: up, O, O, down, left O, O, at right buttons at whoola! may Set 2 weapons na ko… ang galing!

**

Naisip ko lang, pag nagbebenta ka diba mas mayroong re-sale value yung mga hindi gaanong nagagamit? Slightly used kumbaga. So naisip ko, na kung ibebenta pala yung mga ‘utak’ nung mga local gov. engineers ng Las Piñas, na may pakana ng pagbaha sa amin, eh mahal pala! Bakit ka nyo? Bihira din kasi nilang gamitin. Slightly used nga kumbaga.

**

Nag-open na uli ang PBA All Filipino Cup, at pag may PBA syempre hindi mawawala ang pa-ending, kailan lang eh pinataya ako ng isang katropahan sa amin, P10 lang at tatama ka ng P700, not bad. Sa 100 number combination kung tataya ako ng 2 combination mayroon akong 2% chance na manalo, masyadong maliit yung chance na yun, pero kung tatayaan ko lahat ng 100 number combination eh 100% sigurado ang panalo ko! So kung P10 ang isa bale P1,000 ang itataya ko dapat, gagasatos ako ng P1,000 para manalo P700… isa akong henyo!

**

Life is a matter of choice ang sabi nga di ba, lahat talaga ng gagawin mo kailangan pag-isipan, dahil lahat ng choice mo will lead to another circumstances, at ang ikaka-ganda at ikaka-pangit ng araw mo eh depende sa kung anong mga bagay ang pinili at sinang-ayunan mo… huli na ng malaman kong kaya pala mas mahal ang Joy bathroom tissue kesa sa SM Bonus eh dahil sa double ply pala ang Joy at one ply lang ang SM Bonus bathroom tissue… sana pwedeng maibalik ang nakaraan…

**

Alam nyo ba na kasama sa Top 5 Cancer causing food ang french fries at processed meats gaya ng burgers dahil mataas daw ang sodium nitrate nito at ang saturated fat eh nakakadagdag sa pagkakaroon ng cancer. ang french fries din ay may halong cancer causing acryl amides na lumalabas during frying process, nakakatakot di ba? Pero alam nyo rin ba na P25 lang ang idadagdag nyo sa regular burger meal at magiging large na ang regular fries nyo at ang regular drinks nyo eh magiging float na… mura na busog ka pa!

**

Nakakatuwang bumaba na uli ang pamasahe sa bus, yung dating P12 from Baclaran to Mantrade sa aircon bus eh naging P11 na lang, pero yung isang aircon bus na nasakyan ko P12 pa rin ang sinisingil, so syempre natural na mag tanong ako kay manong kunduktor, so pagkatanong ko, todo paliwanag naman sya ng mala-litanyang paliwanag, na kesyo wala pa raw utos sa kanila ang operator nila blah blah blah blah blah blah… ang haba ng paliwanag nya, parang speech ng validictorian sa college, so habang nagpapaliwanag sya ay unti unti ko nang dinidistansya ang sarili ko sa kanya at naglalaro sa isip ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya… “two words manong kunduktor, two words lang… TOOTH BRUSH!”… pero wala akong lakas ng loob na sabihin ito sa kanya…

**

Narinig nyo ba sa radyo yung tungkol sa 25 anyos na lalaking nasagasaan ng bus sa kahabaan ng Commonwealth avenue? Ako rin eh, hinde, pero narinig ko lang sa dalawang babae na naguusap sa bus na narinig nila sa radyo yung balitang yun. Kahit na daw may karatula ng MMDA na “Walang Tawiran, Nakamamatay!” eh sige pa rin ang mga tao sa pag tawid… siguro hindi na epektib yung ganyang uri ng pananakot “lahat naman tayo mamamatay, una una lang yan” yung ang katwiran ng marami, kaya siguro kailangan na nilang baguhin yung sign nila, i-upgrade kumbaga… dapat siguro yung nakakatakot talaga na tipong kadidirihan ka parang ganun…

“WALANG TAWIRAN, NAKAKALUSLOS”

parang ganyan siguro…

“WALANG TAWIRAN, NAKAKAGALIS”

“WALANG TAWIRAN, NAKAKAHERPES”

“WALANG TAWIRAN, NAKAKAMENOPAUSE”

“WALANG TAWIRAN, NAKAKABAOG”

basta parang ganun siguro, ewan ko lang kung hindi pa katakutan yang ganyang warnings. Baka meron kayong suggestion na pwede nating ipadala kay Bayani Fernando… suggest na!


Comments

  1. hehhe nagpapataya din ako ng ending sa tondo.. =)

    ReplyDelete
  2. na try mo na bang magpataya ng ending dyan sa dubai? : D

    ReplyDelete
  3. hahha oo nga noh.. hindi pa eh.. pero pwede ko itry! =)

    ReplyDelete
  4. nasa isip ko lately ang words na "therefore i am" at bigla kong nabasa yung i think therefore i am... iniisip ko rin kung san ko unang nabasa yun o kung kanino ko narinig yung "therefore i am..." cool...

    parang yung sa telebisyon na nasa isip mo yung word na yun tapos biglang babanggitin nung tao sa tv...

    ReplyDelete
  5. hahah! natawa ako sa last one! speaking of bayani, kinikilabutan ako sa "Metro-Guwapo" niya with his own photo. :P

    ReplyDelete
  6. "Cogito ergo sum" o "i think therefore i am" isang phrase na pinasikat ng philosopher na si René Descartes, baka yun yung nabasa mo... : )

    ReplyDelete
  7. haha sa tingin ko hindi lang ikaw ang kinikilabutan dun... : ))

    ReplyDelete
  8. " WALANG TAWIRAN, ANG TUMAWID PILIPINO !"

    ReplyDelete
  9. "I THINK THEREFORE I AM" was coined by Rene Descarte.

    ReplyDelete
  10. ah okay, descartes.. eeeee salamat.. Ü

    ReplyDelete
  11. kap try mo rin ang God of war... masaya ring laro... ako walang psp pero naovernight ko yung sa kaibigan ko ng de oras para matapos ko... hehe

    ReplyDelete
  12. haha oo nga sir very Filipino yung pagbbreak ng rules...

    ReplyDelete
  13. cge t-try ko yang God of War na yan... me cheat ka ba nyan? hehe

    ReplyDelete
  14. hahaha oo nga no meron din pala pakinabang, dukutin na natin tas ibenta na lang para makabawi naman tayo sa mga local government na yan ng las piñas, kalbaryo inaabot ng mga tao sa kanila eh panahaon naman na sigurong makabawi ....:D

    ReplyDelete
  15. kailangan lang ng masinsinang pagpaplano... meron ka bang drill na pwedeng mahiram hehehe...

    ReplyDelete
  16. drill ba kanyo sir?kahit wala ako madali ako magkakaroon kung para lang sa kanila gagastusan ko hahaha sigurado namang malaki kikitain ko eh..:D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...