Skip to main content

Posts

Showing posts from 2009

So you think you are clever?

Just in case you don't have anything to do til new year try to outsmart this bot... Rick: Merry Christmas! Cleverbot: It's not Christmas, honey. Rick : It is on our side of the planet. Cleverbot: Cool cool. Rick : Oh I got it you don't have christmas. Cleverbot: Why? Rick : I just know. Cleverbot: The fridge is too small what should I do with the body? Rick : Who's body? Cleverbot: The chicken's! Rick : Chop it off to tiny pieces or something. Cleverbot: Something? Rick : How big is it? Cleverbot: You're joking? Rick : No I'm Pinoy. Cleverbot: Aray, sakit naman nito magsalita. Rick : Pinoy, ka ba? Cleverbot: What? Rick : Are you Pinoy? Cleverbot: No, I'm white. Rick : Why do you call your self white, when you are more pinkish than white? Cleverbot: I'm not cleverbot you are. Rick : Yeah I think I like that. Cleverbot: So you are in love? Rick : Why are you asking? Cleverbot: Because you want a girlfriend, so I thought maybe you would want me to b...

Like i'm some Jeeves or something...

Will be back after the holidays... in the meantime... and this... ask and you shall be answered...

Videoke

  Naranasan nyo na ba yung prenteng prente kayo sa pagkakahiga nyo at halos naghihilik pa kayo dahil sa walang pasok at pwede kang magising ng tanghali pero sa kasamaang palad eh bubulabugin ka ng...   "Taaaaarrrrnnn me luuuhuussssss, prom yor heyndssss, let me plaaaaa-a-a-aayyyy to distan leeeehennnnd..."   Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nung kapitbahay namin at alas-siete ng umaga nagbi-videoke na sila, mabuti sana kung parang ihehele ka sa lamig at ganda ng boses pero yung pagkanta na tipong galit sa lahat ng aspeto ng musika eh yun ang kamaktol-maktol. Videoke na nga, babasahin na lang yung letra sasablay pa, tapos sila yung tipong nakikipaghabulan sa tyempo, hindi naman sintunado pero wala sa tono, oo ganun talaga, hindi ako magaling kumanta para mangpuna ng ibang taong umeeffort kumanta pero kahit paano naman alam ko kung kelan ako wala sa tono at di tama ang pagkanta at alam ko rin kung nakakabulahaw ako sa mga tao sa paligid ko, pero me mga t...

Si Hitler ang Ampatuans' at ang mga karpintero

Pinapagawa namin yung third floor ng haybol namin kaya medyo riot ngayon sa bahay, buti na lang gabi na ko nauwi kaya hindi ko na naaabutan yung mga pukpukan at palaang nagaganap sa itaas, sa umaga ko lang naaabutan yung mga karpinterong nagkukwentuhan, at dahil sa tinabingan lang namin ng plywood yung daan papuntang third floor madalas marinig ko yung usapan nila sa mga bagay bagay. Nung sabado ng umaga eh napagdiskitahan nilang basahin yung set ng encyclopedia na naiwan sa third floor at sa kalkulasyon ko eh letter 'H' ang nahugot nilang letra dahil ang diskusyon nila eh tungkol ke Hitler (well pwede ring ‘A’ for Adolf… uhm… titigil ko na tong mga corny na hirit pramis), ayun, nagbabasa kasi yung isang karpintero ng malakas tungkol ke Hitler na medyo ikinagulat ko dahil kaya nyang mag basa ng malalalim na ingles, taliwas sa akala ng marami na pawang mga elementary graduate ang mga karpintero, meron palang mga high school din, naisip ko tuloy na siguro dala lang ng kahirapan...

Kiss and make-up

Hanga ako sa mga babaeng kayang mag make-up sa umaandar na sasakyan, pramis, yun ganung klaseng gawain eh maihahalintulad mo sa akrobatikong pagtatanghal na kaya lamang gampanan ng mga propesyunal, kaya di ko maiwasang humanga sa kanila. Kumbaga kung ipapasok sila sa trabaho, pwede silang mamasukan sa mga electronics company, mga semiconductor production ganun, yung kailangan ng good eye, hand and body coordination, maituturing silang highly skilled employees. Mahirap din yung mag eyeliner ng umuuga yung paligid mo, hawak nila sa kaliwang kamay yung salamin samantalang yung kanan naman eh dinudutdot yung gilid ng mata nila, tapos nakakabalanse pa sila ng katawan kapag pumepreno yung sasakyan. Mga ilang beses na rin akong nakakasakay ng babaeng nagma-make-up sa loob ng isang umaandar na sasakyan, kalimitan papasok sa opisina o kaya yung mga papasok sa department store, parang sanay naman silang tingnan o titigan ng ibang pasahero, o baka mas sanay ang mga pasahero na sa araw araw eh may...

Amishu

Nakakamis din palang magblog ng meron kang tema, yung parang pinagisipan mo talaga saka pinagukulan mo ng panahon, napapadalas kasi yung pagtambay ko sa kabilang bahay kaya di na gaanong nakakapag sulat dito. Na miss kaya ako ng multiply? Hinde? ok. Parang andami kasing pwedeng isulat pero hindi mo namang pwedeng ilagay sa isang lathala lang dahil baka maguluhan yung mga magbabasa, yun eh kung meron man… para kasing magluluto ka ng chopsuey na madaming ingredients, na sa sobrang daming sangkap hindi mo na malaman yung lasa ng isang sangkap sa isa pang sangkap, ayoko naman ng ganun, wala namang kwenta kung magpo-post lang ako ng ginagawa ko bawat segundo ng buhay ko, parang yung ginagawa ng ibang user sa isang sikat na social networking site, facebook? wala naman akong sinabing facebook ah, sinabi ko lang isang sikat na social networking site… malamang naka engkwentro na kayo ng ganun… yung tipong 8:00: picking my nose right now 8:02: extracting greenish thing out of my nose, hairs a...

Jesus > ctrl + S

Sa isang catholic TV show tuwing lingo ng umaga, meron silang segment kung saan maaring magtanong ang mga viewers ng kahit na ano patungkol sa ‘faith’ and ‘religion’ naabutan ko yung isang tanong tungkol sa pagsisimba tuwing linggo, naging interesante para sa kin dahil isa ako sa mga madalas umabsent tuwing lingo, nasabi ko na sa inyo dati na hindi pang El Shaddai yung personality ko. Kasalanan ba daw na maituturing yung hindi pagsisimba tuwing lingo? Ang sagot ng host na isang bishop eh isang nakakalungkot na ‘Oo’ kasalanan ang hindi pagsimba tuwing lingo, ayon sa doktrina ng simbahan. Aaminin ko ngayon ko lang nalaman yun. Hindi naman ako palasimbang tao, pero madalas akong magpasalamat ke Bro sa araw-araw, kahit sa mga simpleng bagay na nangyayari sa buhay ko. Mas naniniwala kasi ako na mas mabuti pa yung magkaroon ka ng personal na relasyon sa Diyos o kung sino mang superior being yung sinasamba mo kesa sa ilimita mo ang sarili mong pananampalataya sa pag sisimba tuwing lingg...

Lipat Bahay

Oo nga pala lilipat na kami ng bagong haybol, malayo sa mga maderparkers na La Fuerzang to. Sabihin na lang natin na masyado silang greedy parang si Mr Crabs na medyo mas matindi pa konti, ah hindi konti, garapal sa pagka greedy. Paano ka ba naman hindi mababadtrip sa mga asskissers na to, simple lang naman ang math di ba? 3 unit = 3 parking spaces, hindi mo na kailangang maging einstein para ma figure out yang ganyang ka simpleng bagay, kahit anak kong 4 years old mauunawaan yan. Eh bakit nila gagawing 2 parking space para sa 3 unit? Di naman lahat ng kliyente namin kayang mag park ng gaya nung nasa larawan... Ilan lang yan sa mga dahilan kung bat kami lilipat, maraming pang ibang dahilan na pumuno sa salop namin kaya wala kaming magagawa kundi kalusin, pero yung parking space na pinagdamot ng kinamsyet na La Fuerzang yan ang main reason, saka mabaho ang hininga nila pag kausap namin, oo nagsasambit na talaga ako ng mga badwords na tyak na ikadudurog ng puso ng nanay ko kung madid...

Paano mo masasampal sa mukha yung mga tao sa gobyerno?

Kung meron mang sampal na dapat lumapat sa pisngi ng mga politikong atat na atat mahalal at nagtatago sa rasong 'marami silang matutulungan kung nasa tamang lugar sila at nanunugkulan... ' read: GOVERNMENT OFFICIAL, yung sampal na yon eh nasa katauhan ata ni Efren PeƱaflorida. Walang tulong mula sa gobyerno, walang sapat na pondo, walang sapat na manpower, ni hindi sila kumikita sa ginagawa nila, ang tanging sapat lang at naguumapaw eh yung kagustuhang tumulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya 'Will Power' kumbaga.  'Will Power' at 'Wheel Power', dahil bukod sa sinseridad sa pagtulong, gamit din nila Efren kasama ang Dynamic Teen Company ang Kariton para lumibot sa iba't ibang lugar upang tulungan ang mga bata sa mga mahihirap na lugar para magkaroon naman sila ng kahit na kapirasong edukasyon, yung kariton ang kanilang instant classroom.  Sila yung naghihirap na makapagturo sa mga batang nangangailangan ng edukasyon ng walang inaasahang k...

Ang mga tunay na pangyayari sa likod ng kahindik-hindik na krimen

Nagiinuman sina Leo kagabi, meron syang kasamang apat pa na lalaki, masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano, yung usapan tungkol sa pulitika, nauuwi sa basketball tapos sa boxing, tapos sa mga artista, maya-maya tungkol sa mga buhay-buhay nila, kanya kanyang payabangan, kanya kanyang buhatan ng bangko, lahat magaling. Ilang oras pa ang kwentuhan at nauwi naman sa sayawan, kung paano nauwi doon yung usapan ng mga maton, sila lang ang nakakaalam. "Leo alam mo ba yung bagong sayaw na pinatutugtog ngayon? (hik)" tanong ng kasamahan. "Alin? (hik) yung laging sinasayaw ng mga bata?" sagot naman ni Leo. "Oo yung nga! (hik)" sabat naman ng isang kainuman. "Yun lang pala eh (hik), syempre halos lahat naman ng tao alam ang 'Macarena!" sagot uli ni Leo habang tatawa-tawa. "Gago! (hik) anong Macarena? Eh napaka-luma na nun eh! (hik)" sabat uli ng isang kainuman. "Ah matagal na ba yun? (hik) Di ba kelan lang nauso yun? (h...

Salamat Ondoy!

Sa titulo pa lang parang dadami ang mangangaway sa akin gaya nung ke Jacque Bermejo, napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba o hindi, since kulang kulang naman yung isip ko eh tinuloy ko na rin. Pero ano ba talaga ang dapat ipagpasalamat ke Ondoy? Mga nasalantang kabahayan? Mga namatay na mahal sa buhay? Mga nawalan ng tirahan? Mga nasirang kabuhayan? Lahat yan negative, ni hindi papasok sa isip mong bigyan ng pasasalamat ni katiting, sobrang pahirap at sakit sa kalooban lang ang maisasagot ng bawat taong nakaranas ng lupit ni Ondoy, pero lahat ba yan ginusto ni Ondoy? Si Ondoy! Si Ondoy na walang malay! Kasalanan ba nya na lumakas yung ulan na binagsak nya gayung resulta lang naman yun ng natural na ikot ng kalikasan, yung pag-init ng mundo, global warming sabi ng mga eksperto, hindi ba natin naisip yon? Umiinit ang mundo kaya natural na lumakas ang evaporation process, mas mainit mas maraming tubig ang nage-evaporate at natural naman na yung tubig na naipon sa mga ulap eh baba...

Hango sa tunay na buhay...

Me, Myself and Ondoy

Global warming ata o climate change, pilit kong hinahanapan ng dahilan yung nangyayari nung sabado ng umaga habang nakatingin ako sa tubig na unti unting tumataas sa may Mantrade underpass, kitang kita kasi mula sa pagkakatayo ko sa MRT station, mataas na ang tubig pero malakas pa rin ang ulan, stranded karamihan ng mga pasahero, nagtataka nga ako dahil nung umalis ako ng bahay ambon lang yun, at wala akong nabalitaang paparating na bagyo, yan ang problema pag nagsasawa ka na sa balitang pulitika hindi na nagiging interesante para sa yo ang balita, kaya yung mga maliliit na impormasyong kailangan mong malaman tulad ng weather forecast eh hindi mo na rin nasusubaybayan. Anyway balik tayo sa baha, nung sabado ko lang napatunayan na hindi isang myth yung lagpas taong baha sa mantrade underpass, dahil alas onse pa lang ng umaga hindi ko na makita yung lagusan ng underpass dahil nalubog na sa tubig, at halos kahabaan ng pasong tamo sa makati eh baha na rin, di ko tuloy maiwasang isipin ...

Anibs

Kala mo siguro nalimutan ko kaya malungkot yung bati mo sa akin kaninang umaga, ang tagal mong kumibo nung tinapik kita, ni hindi ka man lang kumurap, nagintay pa ko ng ilang minuto bago masilayan yung karakas mo. Hindi mo alam kagabi ko pa naalala na anibersaryo natin ngayon, kaya lang nalimutan ko kaninang umaga pag gising ko tapos ngayon ko na lang uli naalala, atleast naalala ko uli, atleast hindi pa tapos ang araw, hindi pa huli ang lahat. Ayokong maging sentimental, di naman talaga ako sentimental na tao, di ko naman ginagawa yung ganito taun-taon, unang beses ko pa lang ngayon, lagi namang merong unang pagkakataon sa lahat di ba? Naisip ko lang gawin dahil ika-limang taon na natin, akalain mo, limang taon din tayong naglolokohan...  Matagal din ang limang taon kung iisipin mo, wala sa hinagap ko na tatagal tayo ng ganito, bagama't hindi maganda yung simula natin nung unang dalawang taon eh napagtyagaan naman natin ang isa't isa at ngayon nga eh maganda na ang takbo...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Give us a break!

Mula sa Text na natanggap ko kaninang umaga Reporter: Secretary Favila ano ang masasabi nyo na hindi PRO POOR ang gusto nyong added tax sa text? Secretary Favila: Ah hindi talaga PRO POOR iyon kasi wala namang celfone ang mga poor in the first place kaya hindi talaga para sa kanila yon nyahehehehe. Ang corny ng joke, hindi nakakatuwa, at mas lalong hindi nakakatuwa yung issue ng added tax sa text. Gusto ko sanang tanungin ng ganito si   Secretary Peter Favila: Ano ba ang nakain mo’t pumasok pa sa isip mong lagyan ng tax ang texting? Dahilan ba yan ng Global Warming kaya ganyan ka magisip? Ba’t naman yung iba mong kasama diretso pa rin ang pagiisip? Ano namang garantiya mo na hindi ipapasa ng mga kumpanya ng telecoms ang extrang tax sa mga subscribers nila? Wala ka bang celfone? Hindi ka ba nagttext? Ito lang ba ang paraang nakikita nyo para makakuha ng additional revenue ang gobyerno? Bakit di nyo pagtuunan ng pansin yung mga smugglers saka yung mga tax evaders? Naisip n...

Amen?

Akalain mong pati pala multiply eh pinasok na ng El Shaddai, nakatanggap na ba kayo ng invite mula sa kanila? Kelan lang nakatanggap ako ng invite mula ke Bro. Mike umano para maging parte ng kanyang multiply network, naisip ko siguro isa ako sa mga pinagpala, nakita nya ang busilak kong kalooban, pero nakita ko yung Kit-kat na dinekwat ko sa bag ng anak ko kaya naisip ko sinong lolokohin ko... imposible yun. Ang totoo eh hindi na bago yung mga ganitong modus para sa iba't ibang organisasyon at mga personalidad na gustong bumuo ng network kung saan pwede nilang gawing medium ang mga social networking sites upang magbigay ng mga iba't ibang impormasyon tungkol sa kanilang layunin, yun eh kung magpapa-uto, i mean kung sakasakaling tatanggapin nyo yung imbitasyon nila. Sa lahat ata ng social networking sites andun sila. Binisita ko yung site ni Bro. Mike, oks naman the usual multiply site, na-create nung July 2008 pero hanggang ngayon konti lang yung laman, ni walang picture, ...

Survey: Noynoy for President?

Gusto nyo bang tumakbo si Noynoy bilang Pangulo ng bansa? Oo, dahil gaya ni Ninoy at Cory kabutihan ang hangad nya para sa bansa.     15 Hindi, dahil hindi pa sya handa     7 Oo, dahil sya lang ang mabait sa lahat ng kandidato     5 Hindi, dahil mas gusto ko yung ibang presidentiables     2 Oo, dahil fan ako ni Kris     2 Hindi, dahil ayokong makita yung receding hairline nya     0 Oo, gusto ko sya walang pakialamanan!     1 Hindi, dahil hindi ko alam ang pinaguusapan nyo     0 My father died for democracy. My mother fought for democracy. They believed that if we make democracy work in our country, the government would be accountable to the people. I believe as they did. My advocacy is centered in making the institutions of democratic governance work so that it takes root and serves the interests of the many as against those of the few and powerful. In a working democracy, government would be...

Not another facebook post

Sabi ko sa quicknote "sige nga bigyan nyo ako ng sampung katanggap-tanggap na dahilan para mag facebook ako..." dala na rin ng matinding pagka inis sa mga email invite ng facebook, nakakagulat lang dahil mahigit sa sampu ang nakuha ko. At dahil inaliw mo ko Buding (di nya tunay na pangalan wahehehe peace tayo!) sa iyong 10 suggestion eh bibigyan kita ng E for Effort (di ko kasi maintindihan kung bakit lagi nilang sinasabing A for effort). Bagaman muntikan mo na akong makumbinse, muntik na talaga, siguro kung dinagdagan mo pa ng around 85 yung reason baka sakaling pagisipan ko ng mabuti, sabagay kasalanan ko dahil sampung dahilan lang talaga ang hiningi ko, pero 15 yung binigay sa akin plus 10 sau bale 25 na reasons na, at wala ni isang tumunaw sa puso kong bato hehe. Sa ngayon kasi ni sagi sa isip hindi sumasagi na makita yung sarili kong sumasagot ng "Sino ang Kamukha Mong AngTV Star" sa pesbuk. Oo maarte ako, isa ako sa nabiyayaan ng kaartehan nung isinaboy t...