Skip to main content

It’s beginning to look (and feel) a lot like Christmas

Nakakatuwa dahil mga ilang gabi ang nakalipas paguwi ko eh sinalubong ako ng mga kumukuti-kutitap na ilaw sa aming bahay, umatras pa ko palabas at sinipat sa malayo ang bahay namin sabay lingon na rin sa paligid para ma-convince ko yung sarili ko na nasa tamang lugar ako, at yung bahay na tinitignan ko eh bahay namin talaga. Bukod sa medyo malamig-lamig na sa madaling araw eh isa-isa nang nagsusulputan ang mga Christmas lights sa kalsada, isa lang ang ibig sabihin nito, dumadami na ang mga beerhouse? Hinde, syempre it’s the holiday season! Ang ikatlong season dito sa atin bukod sa tag-init at tag-ulan. Kaya naisipan ko na ring mag lagay ng Christmas lights sa aking ‘header’, dahil sadyang inggitero ako, di ko lang naayos na maigi dahil bukod sa inggitero eh medyo me katamaran din ako.

Bahagi na siguro ng ating Christmas culture ang mga Christmas lights, maihahalintulad siguro yan sa puto bumbong, karoling, simbang gabi at mga nagtatagong ninong at ninang, dahil hindi kumpleto ang pasko sa Pinas kapag wala ang mga ito.

Christmas lights ang tawag natin sa mga kumukuti-kutitap na ilaw na yan dahil nung unang panahon panahon ng hapon eh tuwing pasko lang natin nakikita ang mga ito, pero sa panahon ngayon all year long mo na sya makikita sa iba’t ibang lugar, gaya sa mga restaurant, barber shops at parlor, sa mga malls, at syempre sa mga beer house, naisip ko tuloy kung angkop pa bang  tawaging Christmas lights ang mga ito gayung buong taon mo na sya nakikita at hindi lang tuwing pasko. Pwede sigurong tawaging ‘blinking lights’? o ‘close-open lights’? ‘on-off lights’? 'twinkling lights’? ‘christmas lights no more’? at kung anu-ano pa, sabagay hindi na naman talaga pinoproblema ang mga ganitong bagay dahil hindi ko naman ikakaligaya to, sa ngayon eh mas natutuwa ako at dumadami na ang mga bahay na may Christmas lights sa lugar namin, ilang gabi na lang malamang eh puno na ng Christmas lights ang kahabaan ng San Jose St. at habang sinisinghot ko ang malamig na simoy ng hangin sa gabi sasabihin ko sa sarili ko “Yes, indeed… it’s beginning to look a lot like Christmas Nightclubs”.


Oo hindi lang look kundi feeling ko eh Christmas na, dahil kaninang umaga lang eh nakatanggap ako ng special gift/treat mula sa aking ‘Secret Santa’ daw thru email. Dahil sa alam kong maraming ganitong hoax sa internet, pinag-aralan ko muna ng mabuti at ikinunsulta sa nagde-deliver ng mineral water sa office namin ang email at matapos ang ilang sandali, mga 10 seconds, na-convince ako na hindi ito isang hoax. Bakit ko nasabi? Una, in-address nya ko sa aking ‘secret nickname’ na “Rikitik” (na ngayon eh hindi na secret), ilang tao lang na malalapit sa kidney puso ko ang tumatawag sa akin ng ‘rikitik’ so malamang isa sa kanila yun pero palaisipan sa akin ang pag-gamit nya ng codename na “kapitbahay ni kuya”, pumasok sa isip ko ang ilang tanong gaya ng, sino si kuya? Kung kuya nya yung kapitbahay nya bakit hindi sila nakatira sa iisang bahay? Big Brother?

 

secret santa?

So sinubukan ko na lang i-click ang link, dahil useless ang tanungin ang sarili ko dahil hindi ko rin masagot, ilang sandali lumabas ang isang registration form, kailangan lang mag register ng ilang info pero wala namang mga credit card number, bank account number, passwords o vital statistics na hinihingi, kundi puro personal info lang na sa palagay ko ay safe naman ibigay. So sinubukan kong mag-register, matapos mag-register eh may auto reply agad sila sa email ko kaya na-convince ako na hindi ito isang joke.


secret santa! 

Isang treat mula sa Delifrance ang makukuha ko, ipakita ko lang daw ang printed brief email na na-receive ko sa lalaking naka Santa hat sa pinaka malapit na Delifrance outlet. Kung bakit ako binigyan agad ng gift eh hindi ko din alam, dahil imposible namang napo-pogian lang sya sa akin, although hindi malayo ang ganung posibilidad. Anyweys, kung sino ka man ‘kapitbahay ni kuya’ kung saka-sakaling mababasa mo ito, maraming salamat sa iyo, kumbaga sa movies ikaw yung nakakakuha ng agimat mula sa matandang babae dahil busilak ang iyong puso, muah.



Comments

  1. wow.. nice nman ni kpitbhay ni kuya!

    lapit n nga pasko..at excited n ko kc uuwi ako jan for xmas. goodluck lng sa lagpas - 40 ko n inaanak. ahai.. ang alam ko nga nasa 50 n sila times 2 ng edad ko. ei..babatiin n kita - advance merry xmas! :)ÿ

    ReplyDelete
  2. gusto ko "twinkling lights" =)

    nakakatuwa naman tong entry mo, nakakamiss ang pinas :(

    ReplyDelete
  3. nak nang me xmas lights nga..pano to kuya? ;) nice tlaga ni kapitbahay ni kuya, sa tingin ko magandang ate yun...wahehehehe...mas pinabusilak pa ang puso nun ngayon. wahahaha.. kuya turo mo sa akin yang blikn blink na yan ha...

    ReplyDelete
  4. whoa... 50? andami naman... thats good na dito kau magpapasko dahil kahit saan ka pumunta sa buong mundo, walang pasko ang katulad sa Pinas! : )

    ReplyDelete
  5. wahehehe parang kilala ko na sya dahil nag paramdam na... aysus... yung JPG header ko eh ginawa ko lang na GIF animation... maning-mani lang sa yo yan... ; P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.