Skip to main content

Judgmental


Bus story No.002

Hina-hum ko ang ‘I don’t like Mondays’ ng Boomtown Rats sa isip ko habang nag-aabang ako ng bus kahapon dahil hate ko talaga ang Mondays, weekend hang-over yata tawag dun. Andami pang tao na nag-aabang pero ang konti ng bus, kumbaga sa marketing, sa law of supply and demand, mas madami ang demand kesa sa supply. Merong ilang bus ang nagdadaan pero puro tayuan na, ayoko naman tumayo sa bus dahil maarte ako. Ilang minuto pa at sa wakas me dumaan na ring bus na medyo maluwag-luwag kaya napalundag kaming lahat sa tuwa at sinalubong ang bus with open arms, hindi naman literal dahil kung ginawa namin yon eh malamang ikamatay namin. Isa-isa na kaming pumila para makasakay at halata sa mukha ng kunduktor ang labis na kaligayahan dahil sa mga ganoong pagkakataon nya lang nararanasan na maging celebrity na pinagkakaguluhan, kahit kunyari lang, dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi talaga sya ang pakay namin kundi yung makasakay ng bus. “sige pasok lang maluwag yan galing Japan!” sigaw ng kunduktor, naisip ko gasgas na gasgas na yang ganyang punchline na madalas madinig sa mga jeepney drivers, gusto ko sanang sabihin sa kanya “duh! It’s so yesterday!”

Familiar sa akin yung bus, mga ilang beses na rin akong nakasakay sa bus na yun, bandang dulo na ako nakaupo dahil na rin sa dami ng tao, sa animan na upuan katabi ng dalawang mag-asawa, at mula sa kinauupuan ko nakita ko ang isang bagay na nagpa-alala sa akin kung bakit familiar ang bus na ito. Yung nasira kong handle bar, sira pa rin. Naalala ko pa, mga ilang linggo ang nakalipas pababa na ako ng mantrade nun, pag tayo ko mula sa kinauupuan eh biglang andar ang bus kaya muntik na akong matumba, mabuti na lang at nakahawak ako sa handle bar at sa pag-ayos ko sa pagkakatayo, bumigay ang plastic cap covering na nakatakip sa handle, nabali kaya na-expose ang aluminum ng handle, delikado para sa mga taong hahawak nito dahil nakaka-sugat sya, pero wala na akong magawa kundi itapon sa sahig yung nabaling plastic cap sabay dali-dali akong bumaba. At ngayon nga nakita ko sya uli na sira pa rin, at napansin din ng mag-asawa na katabi ko dahil sa tapat lang namin yung handle na yun.

Naging topic nga ng mag-asawa yung sirang handle bar, “delikado yang aluminum na nakalawit na yan o” sabi ng babae sabay turo sa handle “malamang me nag-sira nyan, mga walang magawa sa buhay kaya kung anu-ano pinagiinteresan” dagdag nung mister nya, medyo natawa lang ako sa sarili ko na medyo nainis, “oo nga, kung hindi magva-vandal eh, ika-cutter yung upuan tapos kukunin ang foam, o kaya maglalagay ng chewing gum sa gilid ng upuan, tapos yang mga ganyan sisirain ang mga handle!” sabi pa ng babae. Pag-lapit sa amin ng kunduktor, tinuro ng mag-asawa ang handle “sana ginagawa nyo yang ganyan o, delikado yan nakaka-sugat” sabi ng babae, “wala pa po kasing parts na ipapalit, manggagaling pa po ng china, nasira po kasi ng pasahero yan eh” sagot naman ng kunduktor. Nanliliit na ko sa kina-uupuan ko dahil sa pag-uusap nila, parang nakaka-konsensya tuloy dahil alam ko na ako ang nakasira nun hindi lang nila alam. “Mga walang modo yang mga ganyang tao” dagdag pa ng mister nya. Gusto ko nang mag-ala-ninja at magpakawala ng smoke-bomb sabay sabi ng “ninja vanish!” para mawala na ako sa lugar na yon dahil sobra na akong nanliliit sa mga sinasabi nila. “Oo nga mga walang breeding!” sabat naman ng babae. 

Sa puntong yun gusto ko na sana silang sigawan at sabihin sa kanila na “OO NA! AKO ANG MAY KAGAGAWAN NYAN! AKO ANG NAKASIRA NYAN! PERO HINDI KO SINASADYA, AKSIDENTE ANG LAHAT! NAIINTINDIHAN NYO BA AKO!? AKSIDENTE ANG LAHAT! MASYADO KAYONG JUDGMENTAL! MAKO-CONDEMN KAYO SA IMPIYERNO! AT SA ARAW NG PAG-HUHUKOM ANG MGA KALULUWA NYO AY ITATAPON SA DAGAT-DAGATANG APOY AT DOON KAYO MAGHIHIRAP! MGA MAPANGHUSGA!” yun sana ang gusto kong sabihin sa kanila, buti na lang mahiyain ako at masyadong masalimuot ang buhay ng showbiz kaya ayokong ma-discover, tama na ang isang John Lloyd sa showbiz, kaya tumahimik na lang ako hanggang dumating ang mantrade.

Pumara na ako pag-dating ng mantrade, nag-excuse ako sa mag-asawang katabi ko sabay takip ng bag sa mukha ko dahil parang nagi-guilty ako at naiinis sa kanila at the same time, nanghu-husga agad sila,  kahit di nila alam kung ano ang tunay na nangyari eh meron kaagad conclusion na pumapasok sa isip nila. Nagulat lang ako nung sabihan ako ng babae na “wag mo nang hawakan yang handle baka masugatan ka”, napangiti lang ako at dahil dun eh nawala na ang pagka-muhi ko sa kanila, mabait din naman pala sila at hindi naman sila kasing sama gaya ng iniisip ko, concern lang siguro sila… naisip ko tuloy naging mapanghusga din pala ako tsk tsk.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...