Skip to main content

Kilala mo ba kung sino ako?!!

Di talaga maiiwasang maka-experience ka na may makasakay na lasing sa jeep, unless me kotse ka hindi mangyayari yun, ok lang sana kung yung tipong tahimik lang na lasing, pero yung maangas na lasing, yun yung iniiwasan ko. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at pinagtagpo kami ng maangas na lasing kamakailan lang. Sumakay yung matabang lasing (think Ike Lozada in his prime) sa jeep na sinasakyan ko pauwi. Relax naman ang lahat bago sya sumakay, sinasabayan pa nga ng tatlong emo kids yung tugtog sa jeep na “Passenger Seat”, nasabi kong emo sila dahil all black sila kung manamit tapos may nakasulat pa sa shirt nila na ‘emo punk’ yung isa naman ‘my chemical romance’ at yung isa uhmmm ok ‘Rose Enterprise’ yung nakalagay sa shirt nya pero naka half slit naman yung bangs nya na natatakpan yung kalahati ng mukha nya kaya sa opinion ko e emo sila… daw, hindi ko lang alam kung ba’t kabisado nila yung lyrics ng “Passenger Seat”.

Going back, inaasahan kong uupo yung mamang lasing sa maluwag na side ng jeep kaya nagulat ako nung nagsumiksik syang tumabi sa akin, “Ano ka ba!?* hic” pasigaw nyang tanong, nagulat kaming lahat at napatingin sa kanya, pati yung mga pasahero sa kabilang jeep napatingin sa kanya, para makaiwas sa gulo at sa mabaho nyang hininga lumipat na lang ako sa kabilang side na upuan. “Nakita mo nang uupo yung tao hindi ka pa umurong! *hic Ano ba problema mo!?” pahabol pa nung mamang lasing, wag ko na lang daw patulan sabi nung matandang ale na katabi ko, naisip ko, sa laki ba naman nitong mama na to hindi ko talaga papatulan yan, kahit alam kong pag sinuntok ko sya sa ngalangala eh hindi na makakahabol sa akin yun sa kalasingan, pero he’s not worth it pa rin.

“Kilala mo ba kung sino ako ha!?” hindi pa rin ako tinitigilan nung lasing, sabay tawanan yung tatlong emo kids kaya sila naman ang napagdiskitahan, “kayo anong tinatawa-tawa nyo dyan!?” sigaw sa kanila nung lasing, “Kilala nyo ba kung sino ako?” napatahimik sila at yumuko na lang, may silbi pala yung bangs nila, pwedeng pantakip ng mukha pag natatakot. “Ikaw! KIlala mo ba ako!?” sigaw ng lasing sa driver na nakatingin sa side mirror nya sabay kamot sa ulo. Nangangamoy gulo na sa jeep, ini-scan ko ang jeep, ang pwede lang tumapat sa matabang lalaki na yun eh yung matabang lalaki rin sa dulo ng jeep (think Bomber Moran) yun eh kung magigising sya, dahil daig pa nya ang mantika kung matulog. Buti na lang at tumunog yung celfone ng lasing at nanahimik na sya kaka text mula nun… misis nya siguro yung nag text, whew!

Sa totoo lang lahat kami sa jeep eh ngayon lang ata sya nakita kaya malamang wala talagang nakakakilala sa kanya, nagtataka ako bakit tinanong nya ko kung kilala ko ba sya, dahil kung kilala ko sya malamang eh nagpalibre na ko sa kanya ng pamasahe, nakatuwaan ko tuloy na magisip ng mga pwedeng isagot sa mga ganitong katanungan, narito ang ilang halimbawa:

1. Maging open sa posibilidad na maaring gusto lang talaga nyang magpakilala kaya pwede mong sagutin ng maayos.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: Hi im Rick, what’s yours? (sabay abot ng kamay para makipag shake hands, with smile siempre.)

2. Or maaaring gusto lang makipag-hulaan sa iyo.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: (I-muestra mo ang kamay mo ng peace sign) Two words? English? Sounds like? First Syllable?

Baka kasi gusto lang mag laro ng charades.

3. Yung iba kasi nagpapapansin lang, feeling celebrity, kaya dapat alert ka na maka-isip agad ng kamukha nyang artista para ma-flatter.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: Ike Lozada? Akala ko patay ka na? You gain weight ha!

4. Kung medyo suplada/suplado ka pwede mo rin syang barahin.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: (I-muestra ang isang kamay ng pa-W at isa naman ay pa-L) What ever yaya, you’re such a loser yaya!

5. Pwede ring naghahanap lang sya ng ka-network.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: Uhmm hanapin ko na lang profile mo sa friendster tapos add na lang kita, approve mo ko ha! (sabay takbo)

6. O kaya dramahan mo agad baka sakaling maawa sa yo.

Lasing: KILALA MO BA KUNG SINO AKO!!?

Ikaw: Itay!? Ikaw ba yan? (sabay yakap with matching teary eyes) Akala ko hindi na tayo magkikita tay! Sniff sniff

Ilan lang yan sa pwede nyong isagot sa mga sitwasyong katulad ng nakwento ko, siguraduhin lang na mabilis ang reflexes nyo para madaling maka-ilag, kung saka-sakaling hindi epektib. *hic



Comments

  1. hahah ang kulit :)

    mabuti na lang ako pag lasing sa jeep tulog lang ang trip ko. heheh pero wag na sana mauulit na maaksidente ako sa loob ng jeep at mabasag ang mukha ko.. isa iyong katangahan.. wag mu na itanong.. hahha :)

    ReplyDelete
  2. haha remember to check your reflexes just in case lang... : D

    ReplyDelete
  3. Ayos nakakatwa talaga mga lasing no?ang yabang eh lasing kasi pero malamang sir tahimik yun sa totoong buhay nya saka di matapang yun lasing lang kaya ganun..hahaha

    Ayos yung number 1 mejo corporate yung dating hahaha pangasar sa walangyang lasing na yun..
    malamang sa malamang sir sa las piƱas to nangyari no?
    isa beses din kasi nakaranas ako ng ganito papauwi na rin ako nun galing trabaho tapos meron ako nakasakay sa jeep na lasing din kasama nga lang nya girlfriend nya i kinantahan ba naman ako ng "buffalo soldier" porke nakadreadlock ako na tipong nangaasar, pwes sabi ko sige lang kanta ka lang mamaya bago ako bumaba pakita ko sayo ang mga buffalo,,hehehe nung pababa na ako ayun niliparan cya ng isang buffalo sa panga sabay baba ako hehehe..

    ReplyDelete
  4. oo.. dahil sa kasablayan halos di n ko nakilala nang ilang linggo dahil basag ang mukha ko..

    mabuti n lang.. nabalik na ngayun.. mejo may depekto pero at least nakikilala na ko. heheh :)

    ReplyDelete
  5. napaka bayolente mo palang tao hehe... sana pagka sapak kinantahan mo rin ng "I punched the senglot" to the tune of "Ishot the Sherif" hehehe

    ReplyDelete
  6. hala nabasag ang mukha mo? buti naibalik pa ng maayos, sino yang doktor mo? me kakilala kasi ako basag ang mukha since birth, baka maayos din hehehe...

    ReplyDelete
  7. di naman sir tamang trip lang lakas cya mangtrip eh ayun pinagtripan ko rin ..:D
    hahaha onga no?dapat kinantahan ko rin

    ReplyDelete
  8. ibang klase talaga to kahit paulit ulit ko basahin nakakatawa pa rin..pati yung emo punk eh..kalain mo yun alam nila yung passenger seat at sinabayan nila kantahin wahahaha

    ReplyDelete
  9. haha oo kulang na lang mag holding hands silang tatlo..

    ReplyDelete
  10. hmnn... so anong nangyari? ano sinagot mo?

    ReplyDelete
  11. haha wala... kasi the idea came nung bumaba na sya, since mataba sya sasabihin ko sana " Santa? Sh*t man why so wasted?" : P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.