Skip to main content

Patience is a virtue

Mahaba naman talaga ang pasensya ko, kung may isang magandang bagay na namana ko mula sa aking mahal na ina eh yun yung pagiging pasensyoso ko, si nanay kasi sobrang haba ng pasensya, isa yata sya sa mga fans ni Confusius nung sabihin nyang 'patience is a virtue', na parang kahit sunugin mo yung bahay namin ok lang sa kanya at naka ngiti pa rin.

Ngayon eh nandito ako sa Netopia nag-iinternet dahil naghihintay din ako sa pina-print kong 5R photo sa isang printer, imagine mo apat na 5R eh 1hr ang hihintayin ko, kaya ang pinaka mainam eh mag-aksaya ng oras sa kapaki-pakinabang na paraan, ang mag-net. Mga ilang minuto palang akong nakakaupo ng may-isang matandang babae ang umupo sa katabi kong computer, mag re-rent din sya, mga around 60+ na sya sa tingin ko, nagulat ako dahil at her age eh up to date pa rin sya technology, or so i thought... "toy san ba ang yahoo dito?" sabi nya... medyo na flatter ako dahil totoy ang tawag sa akin, ibig sabihin ba nito mukha pa rin akong bata? o malabo lang talaga ang mata ni lola? Anyway, tinuro ko sa kanya kung paano buksan ang internet  at Yahoo... "paki enter na lang po ng username nyo and password, para makita nyo po ang mga mail nyo" sabi ko, "ah oo ok na, alam ko na yan" sagot naman nya. Akala ko nahilo sya dahil halos sumubsob na ang mukha ni lola sa keyboard habang nagttype... "toy" tawag uli sya sa akin "pwede mo bang i-type ung username ko at di ko mabasa itong keyboard, kum bat' naman kasi itim ang mga keyboard dito eh" sabi nya sa akin "ano po ang username nyo?" tanong ko, "minda*******, one word lang" sagot naman nya, "pasensya na sa istorbo ha mahirap na talaga ang tumatanda" pahabol pa nya, "ok lang po walang problema" sagot ko naman, hindi nya alam maraming pabaong pasensya si nanay sa akin na angkop sa mga sitwasyong ganito.

"Paki enter na rin ng password ko" pakiusap uli nya. "Password nyo po? Sure po kayo" tanong ko, "oo ok lang toy, wala naman akong sikreto dyan sa email ko kundi mga email ng anak ko sa amerika" sabi naman nya, "ok ano po ang password nyo?" tanong ko uli, "babyteen16" sagot nya, di nya napansin na palihim akong natawa sa sinabi nya, dahil eto isang 60 something na lola eh may password na "babyteen16", anyway kanya-kanyang trip nga yan di ba, mga ilang beses nya rin akong inistorbo habang tina-type ko tong blog na to para sa email nya pero oks lang dahil sadyang mabait naman ako (wala nang kokontra), wala syang kaalam alam na naging bahagi na sya ng blog ko. Iniwan ko si lola minda na masama ang tingin sa computer, hindi ko na inalam kung bakit, at hindi ko rin alam kung bakit nilalagay pa sa mga printing shops ang "Quick developing" kung ang definition nila ng quick developing eh one-hour, sabi nga ni Miley Cyrus 'that's so third world!', buti na lang mahaba ang pasensya ko. Teka kukunin ko na ang pina print ko...

Comments

  1. okay sa password! hahahahhahha!

    kaya ako laking pasasalamat ko sa internet, at sa walmart at target at sa costco na din, pro sa walmart talaga dahil suki nila ako sa printing. maganda ang idea nila na ipapadala ko tru net at file at i-print nila within an hour, may option pang i-mail nila n lang sa bahay mo kung tamad kang pick-up-in or pwede namagn 3 days pa bago mo makuha at medyo mas mura ang presyo, at syempre pwede rin namang 1 hour printing, by the time i get to the store, pick up na lang, no more waiting :)

    pauso ko kaya sa pinas? lol

    ReplyDelete
  2. haha ang hirap talaga pag third world... : P

    ReplyDelete
  3. sa sm southmall ba tong pinagprintan nyo sir?yung kulay green at strip na pula at pangalan din ng film na kadalasan nateng ginagamit?sana nagkakamali ako hehehe..

    anyway,astig si lola ha updated sa net pahamak lang ang keyboard bat naman kasi itim eh...

    ReplyDelete
  4. ah hinde men, sa sm sucat yun at yung shop eh kulay yellow at blue. Clue: ang pangalan ng shop eh nagsisimula sa letter 'I' at ang huli eh 'sland Photo'... badtrip...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.